Advertisers
Natutuwa at kontento ang ELECTRIC CONSUMERS sa magandang serbisyong ipinagkakaloob ng MORE ELECTRIC AND POWER CORPORATION (MORE POWER) na resulta ay maagang pagbabayad ng kani-kanilang electric billings sa ILOILO CITY.
Ang resultang ito ay angkop sa litanya ni WARREN BUFFET na “Price is what you pay. Value is what you get. Providing quality service builds value and clients don’t mind paying when they see the value they receive.”
Bunsod nito ay marami sa consumers ng MORE POWER ang ganadong magbayad sa tamang deadline ng kanilang electric bill dahil masaya ang mga ito sa natatanggap na de-kalidad na serbisyo.
Dahil sakto sa oras ang pagbabayad ng electric bill ng mga consumer sa loob ng 36 buwan at hindi naputulan ng kuryente ay maraming consumers ng MORE POWER ang eligible sa BILL DEPOSIT REFUND (BDR) na itinatakda sa MAGNA CARTA FOR ELECTRIC CONSUMERS.
Isa sa nakatanggap ng BDR ay ang KAGAWAD na si KEIFFER ESPINOSA, residente ng MOLO, ILOILO CITY,.., aniya, kapalit ng natatanggap nyang magandang serbisyo sa MORE POWER ay walang palya naman syang nagbabayad sa oras ng kanyang electric bill.
Sa prinsipyo ng ”good service leading to proper payment” ay nakadepende talaga kung maasahan ang kumpanya at ito ang ipinakikita ng MORE POWER na kamakailan ay nagpatupad muli ng 2nd round ng BDR sa kanilang ELIGIBLE CONSUMER.
Noong buwan ng Mayo at Hunyo ay nasa 23 consumers ang nakatanggap ng refund.., sa buwan ng Hulyo ay 65 consumer ang mabibiyan ng BDR at hanggang sa pagtatapos ng taon ay inaasahan pa na nasa 777 customers ang magiging eligible sa programa.
Sa kabuuan ay nasa P5 million ang bill deposit na handang ibalik ng kumpanya sa kanilang mga eligible customers ngayong 2023.
Ipinaliwanag ni MORE POWER PRESIDENT at CEO RoOEL CASTRO na ang BDR ay hindi reward bagkus ay karapatan ng mga consumer sa ilalim ng MAGNA CARTA FOR RESIDENTIAL CONSUMERS na mahigpit na inoobserba ng kumpanya.
Ang inisyatibo ng MORE POWER na kusang ibalik ang bill deposit sa mga eligible consumer ay una nang tumanggap ng papuri sa ibat ibat stakeholders.
Inihayag ni ENERGY REGULATORY COMMISSION (ERC) CHAIRMAN ATTY. MONALISA DIMALANTA na karapat dapat lamang na ikomenda ang MORE POWER sa magandang halimbawa na ipinapakita nito sa ibang distribution utilities na aniya ay kitang-kita ang transparency at consumer welfare sa pamamalakad ng MORE POWER.
Ang lokal na pamahalaan ng ILOILO CITY ay inagagalak din sa maayos na serbisyo ng MORE POWER.
Mga ka-ARYA.., nitong taong 2020 lamang nang magsimulang mag-operate ang MORE POWER sa ILOILO CITYna binago nito ang ilang taong palpak na pamamahala ng dating distribution utility.
Isa lang ang masasabi natin diyan.., sana tularan ng iba pang distribution utilities ang MORE POWER at gandahan pa ang kanilang serbisyo.., upang ganahan din ang mga consumer na magbayad ng kanilang konsumo sa kuryente!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.