Advertisers

Advertisers

Bakit ang Online Sabong Worldwide ‘di ginagalaw ng PNP-CIDG?

0 339

Advertisers

KUNG nagawang buwagin ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang operasyon ng online sabong sa Pangasinan, bakit ang mas malaking operasyon ng online Sabong Worldwide (SWW) ay hindi nila magalaw?

Oo! Pinalakpakan natin ang pagkabuwag ng PNP-CIDG sa online sabong sa Barangay Baligi, Baoac, Pangasinan nitong Lunes, July 31, kungsaan naaresto ang 24 personnel at pagkakumpiska sa halos 200 manok panabong.

Kaya lang ay nakatakas daw ang mga may-ari at operator ng online sabong den na sina Jewel Castro, Ethan Eleazar, Norbert Escalante, Enrico San Miguel at Rebecca Ferolina. Magkano kaya ang dahilan ng kanilang pagkatakas? Hehehe…



Kung nagawang maamoy ng mga operatiba ng CIDG ang online sabong den sa Pangasinan, bakit hindi itong mas malawak na operasyon ng Sabong Worldwide na gumagamit pa ng mga mukha ng mga kilalang personalidad sa sugal gaya nina Atong Ang, Chavit Singson, Patrick Antonio, Manny Pacquiao at iba pa. Pati logo ng PAGCOR ay ginagamit nitong SWW sa kanilang promotional video sa Facebook.

Napakadali lang makapasok sa kanilang website. Click mo lang ang ipina-flash na website ng Gaming Player na https://sandatahanswerte747 sa FB at sila na mismo ang mag-register sayo. Tapos padadalhan ka nila ng GCash number kungsaan mo ise-send ang kapital mo, at game na!



Araw-araw ang operasyon ng SWW kahit holidays, mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng umaga. Umaabot din ng kabuuang P300K+ ang pustahan sa bawat sultada. Nagne-neto ito ng milyones kada araw, Mr. BIR Commissioner!

Ang labis na ipinagtataka natin dito sa SWW, iligal ito, walang tax na binabayaran pero napakalaki ng kaltas sa taya, halos 20 percent (panalo-talo). Kahit dehado ang manalo, ang P100 ay tatama lang ng P80 o P90. At kung llamado ang manalo, ang P100 na taya ay tatama lang ng P60 hanggang P70!



Mas okey pa nga nung legal ang online sabong, maliit lang ang kaltas. Na kapag nanalo ang dehado ay malaki rin ang panalo mo. Pero dito sa iligal, kahit dehado ang nanalo ay parang nanalo kalang sa llamado. Fuck!

Ang online sabong ay ipinatigil ni dating Pangulo Rody Duterte nung patapos na ang kanyang termino noong 2022 nang mawala ang 34 sabungeros na umano’y mga gumagawa ng kalokohan o nagpapasok ng “tsupe” sa mga pa-“derby” ng Pitmaster.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang naturang mga sabungero, na ang ilan sa kanila ay dinukot mismo paglabas ng sabungan, Manila Arena, sa Sta. Ana, Manila.

Nang maupo si Pangulong “Bongbong” Marcos, naglabas siya ng Executive Order No. 09 na nagbabawal sa lahat ng online gambling partikular online sabong. Dito ay inatasan niya ang PNP, DICT (Department of Information and Communications Technology) at PAGCOR na magtulungan para masawata ang mga online na sugal.

Pero ilang buwan lang ang nakalipas ay muling umarangkada ang Sabong Worldwide na tila legal ang operasyon dahil lantaran itong nanghihikayat ng players at agents sa socia media.

Ang tanong: Bakit hindi ito matukoy ng DICT at ng PNP Cybercrime Group, pero ang maliliit na operasyon ng online sabong ay natutumbok nila? Magkano?

Anyway, bigyan pa natin ng panahon ang PNP Cybercrime at DICT sa pagtukoy kung saan ginaganap itong Sabong Worldwide at kung sino-sino ang mga nasa likod nito!