Advertisers

Advertisers

Bicol Region nasibat ang 1st gold sa Palarong Pambansa

0 150

Advertisers

NASIBAT ni Ana Bhianca Espenilla ng Bicol region ang unang gintong medalya sa Palarong Pambansa matapos mangibabaw sa secondary girls javelin throw event sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Espenille ay nagrehistro ng 42,81 meters , dinaig si Avegail Beliran ng Western Visayas na nagsumite ng 35.54. habang si Nathesia Moro ng Cagayan Valley ay third na may 34.47meters

Ang gold medal sa elementary girls javelin throw napunta kay Baby Jane Santos ng Cagayan Valley, na nagtala ng 31.27m. Julie Ann Cuarto ng Region 9 bagbulsa ng silver medal sa 29.17m habang si Jeanne Epino nagkasya sa bronze medal sa 28.44..



Sa long jump, Dinomina ni Jason Patorara ng Western Visayas ang secondary boys division sa 6.57meters. jasper Bedonio ng Ilocos Region ang second place (6.56m) kasunod si Kenn Lucero ng Mimaropa (6.24m).

Nangunguna rin ang Western Visayas sa elementary division kaloob ni Jumel Dichosa, na nagsumite ng 5.28m. Rhain Arlanza (region 6) at Jan Ford Padon (Region 1) parehong pomuste ng 5.16 m pero kay Arlanza iginawad ang silver medal dahil sa second best jump na 5.13 m laban kay Padon 4.86m.



Sa secondary girls 3000-m event, Loraine Audrey Battala (Calabarzon) may oras na 10;49.7 upang mapanalunan ang karera kontra Asia Paraase ng Central Visayas (10;50.3) at mariel Malinao ng Eastern Visayas (10;51.3).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">