Advertisers

Advertisers

Jet Ski at table tennis sa TOPS

0 159

Advertisers

PANAUHIN sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Agosto 3) ang mga atleta at opisyal mula sa Jetski at table tennis para sa makabuluhang talakayan ganap na 10:30 ng umaga sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Pangungunahan nina Jet Sports Association of the Philippines (JSAP) president Harley David at world champion Paul del Rosario ang kanilang hanay para maipaalam sa publiko ang mga kaganapan at programa sa naturang sports.

Sasamahan naman ni dating National coach at SEA Games campaigner Julius Esposo sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat ang mga miyembro na kumatawan sa bansa kamakailan sa international table tennis tournament sa India.



Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiasts na makiisa sa talakayan sa program ana mapapanood din via live streaming sa TOPS Usapang Sports official Facebook page at sa Channel 8 ng pinakabagong mobile app network Pinoy Ako (PIKO).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">