Advertisers

Advertisers

NCAA MVP Ramirez magsasanay sa Japan volleyball club

0 143

Advertisers

NAKATAKDANG umalis ang Perpetual Help player Louie Ramirez patungong Japan sa susunod na linggo upang magsanay sa Oita Miyoshi Weisse Adler,ang club na sumasabak sa top-level profesional tournament V-League 1.

Ang 23-year – old Ramirez, tinanghal na National Collegiate Athletic (NCAA) Season 98 and Finals Most Valuable Player (MVP) matapos pangunahan ang Altas sa pangatlong sunod-sunod na titulo ngayon taon, nakatanggap ng imbitasyon para sa 3 week training program nakaraang buwan.

“I was surprised because there are so many good players here in the Philippines and they chose me. I’m so happy to be invited,” Wika ng 6-foot-3 spiker sa Philippine News Agency Linggo.



“I’m nervous because it will be my first trip abroad. I’m also excited to be training with the Japanese players” Dagdag pa nya.

Marck Espejo (2018-2019) at Bryan Bagunas (2019-2022) ay parehong naglaro sa Oita Miyoshi Weisse Adler,na kumatawan sa Japan sa 2014 Asian Men’s Club Volleyball Championship.



Espejo, na Finals MVP matapos magkampeon ang Cignal sa 2023 Spikers Turf Open Conference title noong Marso, ay lumahok sa Incheon Korean Air Jumbos.

Samantala, ang 6-foot-5 Bagunas, ay nakuha ang MVP plum matapos tulungan ang Win Streak club na masungkit ang unang titulo sa Top Volleyball League sa Chinese Taipei ngayon taon.



Ang Dasol,Pangasinan native ay may isang taon pa na playing year sa Altas.

Pinasalamatan nya si Perpetual Help chairman Antonio Tamayo sa all-out support sa Altas, may hawak ng 13 NCAA titles, at si coach Sammy Acaylar na humasa sa kanyang talento.

Nadiskobre ni Acaylar ang potential ni Ramirez sa panahon ng 2018 Palarong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur habang kinakatawan ang Malimpin National High School.