Advertisers

Advertisers

Pilantropo namahagi ng 2,400 gamit sa eskuwela sa paaralan ng Calauan, Laguna

0 87

Advertisers

UPANG mabigyan ng gamit sa paaralan ang mga estudyante naglunsad ng Brigada eskwela outrich program ang isang Pilantropo at non-government organization (NGO) sa may 2,400 estuyante sa tatlong (3) paaralan sa Calauan Laguna.

Pinangunahan ng Pilantropo na si Dr. Changsuk Lyu kasama ang mga miyembro ng PNP 4th maneuver platoon ng 1st Laguna mobile force ang pamamahagi ng mga gamit sa eskuwela ng mga estudyante.



Si Dr. Lyu ay namahagi ng mga gamit sa paaralan sa 3 paaralan sa Calauan Laguna at  kabilang ang pamimigay ng mga pintura para sa pagpapaganda ng paaralan at mga computer printer at bond paper para sa mga guro.

Nauna rito noong nakaraang Agosto 18, si Dr. Changsuk Lyu at ang kanyang grupo ay nagsagawa ng parehong charity program sa Lobo elementary school sa Lobo Batangas.

Namahagi din si Mr Lyu ng mga school supplies sa 900 na estudyante sa nasabing paaralan at nagbigay din siya ng pintura para sa pagpapaganda ng paaralan at mga computer printer at bond paper para sa mga guro. Plano ni Dr. Lyu na pumunta sa iba’t ibang lugar ng depresyon o paaralan sa buong bansa upang dalhin ang kanyang mga gawang kawanggawa.

Habang naiintindihan ni Dr. Lyu ang tungkulin na tinitiyak ng komunidad ang isang ligtas na malusog na malinis at magiliw na kapaligiran para sa mga bata at guro. Higit pa sa grupo ni Dr. Lyu ay nagpaplano para sa isang charity works sa Bohol.  (Boy Celario)