Advertisers

Advertisers

MARCOS’ TRIP NAKALIKOM NG 22$-M INVESTMENT

0 106

Advertisers

PAPALO sa $22 milyon na pamumuhunan ang nalikom ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makipagpulong sa mga malalaking kompanya sa Indonesia.

Ang meeting ay nangyari sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Jakarta.

Ang PT Vaksindo Satwa Nusantara, PT WIR Asia Tbk, at Pasifik Satelit Nusantara (PSN) ay sinasabing maglalagak ng puhunan sa hanay ng animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity.



Nabatid na ang PT Vaksindo Satwa Nusantara ay handang makipagtulungan sa kanilang local partner sa bansa, ang Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO Inc.) Philippines, para sa gawa nilang avian influenza vaccines at paglalagak ng US$2 milyon na investments ngayong taon.

Ang PT WIR Asia Tbk., katuwang ang subsidiaries nito na PT Mata Nilai Republik ay planong mamuhunan ng US$20 milyon para sa augmented reality (AR) technology integrated with virtual reality (VR) at artificial intelligence (AI) sa susunod na limang taon.

Nakipagpulong din si PBBM sa Pasifik Satelit Nusantara (PSN) na nagbigay ng update kaugnay ng memorandum of understanding (MOU) noong nakaraang taon para sa paglulunsad ng satellite sa December 2023 na makatutulong sa ating digital connectivity.

Napag-alaman na kayang mag-allocate ng PSN ng 13.5 gbps bandwidth para sa Pilipinas na kukunin mula sa ilulunsad na satellite. (Gilbert Perdez)