Advertisers
INIULAT ng Philippine National Police na pumalo na sa halos tatlong libong pulis na may mga kamag-anak na kakandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon ang inilipat ng assingment.
Ayon kay PNP Public Information Office chief, Colonel Jean Fajardo, umabot na sa 2,800 pulis ang napasama sa ipinatupad na reassignment ng pambansang Pulisya.
Ito ay matapos ang isinagawa nilang survey sa mga pulis na nagresulta sa pagkakatukoy ng nasa 2,800 pulis na may mga 4th degree consanguity o hanggang pinsang buo na mga kandidato.
Paliwanag ni Fajardo, ang hakbang na ito ng PNP ay upang maiwasang makaimpluwensya sa resulta ng gaganaping halalan ang koneksyon ng pulis sa mga kandidato.
Kung maalala, una nang binigyang-diin ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., na hindi dapat masangkot sa anumang uri ng partisan politics ang mga tauhan ng Pambansang Pulisya.