Advertisers

Advertisers

Viral driver nanutok ng baril sa road rage sa Valenzuela, sumuko

0 144

Advertisers

KUMPIRMADONG sumuko na kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang driver ng kulay puting Fortuner na nanutok ng baril sa nakaalitan nitong taxi driver sa Barangay Punturin sa Valenzuela City.

Sa ulat, 4:00 nitong Martes ng hapon iniharap si Marlon Malabuye sa publiko sa pamamagitan ng press conference na pamumunuan ni Mayor Gatchalian at Police Chief Col. Salvador Destura Jr.

Nitong Lunes, sinampahan na siya ng mga reklamong grave threat at alarm and scandal



Sinabi ni Col. Destura na isang negosyante si Malabute na sumuko kay Mayor Gatchalian nang manawagan ang alkalde para makuha ang kanyang panig.

Samantala ni-revoke na ng PNP ang license to own and possess firearms at rehistro ng baril ni Malabute.



Naglabas na rin ng show cause order ang Land Transportation Office at pinapaharap si Malabute kung tatanggalan ba ito ng driver’s license.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">