Advertisers

Advertisers

CHINESE FISHING VESSELS NAGKUKUMPULAN NA SA WPS

0 108

Advertisers

ISINIWALAT ng Armed Forces of the Philippines Western Command na mayroon itong namonitor na mga nagkukumpulang Chinese fishing vessels sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa isang pahayag ay ibinunyag ng Western Command na mayroong 30 Chinese fishing vessels ang naispatan sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Ito ay matapos ang kanilang isinagawang aerial patrols sa Iroquois reef noong Setyembre 6 hanggang 7 kung saan aabot sa 23 mga Chinese fishing vessels ang kanilang namonitor, habang may lima ring Chinese fishing vessels ang nakitang nagkukumpulan sa bahagi ng Sabina Shoal, at dalawa naman sa Baragatan Bank.



Pahayag ng AFP Western Command, ang pagdami ng presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea ay dumadagdag sa mga alalahanin ng Pilipinas hinggil sa mga potential implications sa maritime security, fisheries conservation, territorial integrity, at preservation ng marine environment ng bansa.

Ayon sa AFP Western Command, ang mga aktibidad din na ito ng China ay ang ugat din ng nagpapatuloy na tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Kung matatandaan, una narin iniulat ng AFP Western Command na mayroon itong namataang presensya ng 33 mga nagkukumpulan na Chinese fishing vessels sa Iroquis Ref na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas nnang magsagawa ng routine air patrol ang Philippine Navy sa lugar noong Agosto 24.