Advertisers
MULING itinalaga bilang Officer-In-Charge ng bansa si Vice President Sara Duterte.
Ito’y habang nasa bansang Singapore si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, dumalo si Pangulong Marcos Jr. sa 10th Asia Summit sa Singapore.
Sa nasabing summit, hinihikayat ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng dumalo na ikonsidera ang Pilipinas bilang strategic partner sa pag-i-invest ng negosyo.
Ayon pa kay Garafil, babalik ng Pilipinas si Pangulong Marcos matapos manood ng finals ng Singapore Grand Prix 2023 – F1 Race.
Nabatid na inimbitahan si Pangulong Marcos ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.
Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay nanood din ang Pangulong Marcos ng naturang event.