Advertisers
Sa Pangunguna ng National Housing Authority (NHA) inilunsad sa Bayan ng Naic sa Lalawigan ng Cavite ang kauna-unahang People’s Caravan na ang tema ay ” Serbisyong Dala ay Pag-asa” na layon ay ilapit ang ahensiya ng gobyerno sa tao at hindi ang tao ang lalapit sa gobyerno.
Laking pasasalamat ng mamamayan ng Villa de Adelaida NHA housing project sa Brgy. Halang Naic na sila ang napili bilang Pilot Testing ng programang People’s Caravan na nagsimula dakong 9:00 ng umaga at nagtapos ng 3:00 ng hapon na kahit bumuhos ang malakas na ulan ay hindi nagpatinag ang mga kinatawan ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.
Kaya nga mga Ka Usapang HAUZ bago magsalita at ipaliwanag ni NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano sa mga taga Brgy. Halang ang bitbit nilang programa ay nais niyang pasalamatan ang kanyang NHA GM Joeben Tai na isa sa naging brain child ng programa at siya ang itinulak para pangunahan ang NHA family bilang kinatawan ng People’s Caravan.
Bago simulan ni NHA AGM Feliciano mga Ka Usapang HAUZ ang pagpapaliwanag sa mga tao hinggil sa bitbit nilang programa ay pinasalamatan muna nito ang Alkalde ng Munisipalidad ng Naic na si Ruperto Dualan at ang Vice Mayor Junio Dualan sa napaka organized na pagtitipon.
Eto mga Ka Usapang HAUZ ang maganda ng magsimulang magsalita at ipaliwanag ni AGM Feliciano kung bakit ang halos lahat ng sangay ng gobyerno ay nasa Brgy. Halang ay ang mga taong nag kukuwentuhan sa mga kani kanilang upuan at ang iba ay nakatayo ay biglang tumahimik at nakinig sa importanteng mensahe ng kinatawan ng NHA family sa dala nilang programa.
Pinaliwanag pa ni NHA AGM Feliciano sa mamamayan ng Brgy. Halang hinggil sa daming programa ng gobyerno subalit hindi alam ng mga tao, kaya sa ngayon bilang tugon sa nais ng Pangulong BBM ang mga ahensiya na ng gobyerno ang baba sa mga komunidad para ipaabot ang “Serbisyong Dala ang Pag-asa”.
Eto pa ang maganda mga Ka Usapang HAUZ lalong natahimik ang mga tao ng ipagbigay alam ng NHA official Feliciano ang bitbit na programa ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang nasabing ahensiya ay tutulong na magpautang hanggang sa halagang P50k at ang tanging kailangan ay sertipikasyon na magmumula sa Punong Barangay na ikaw ay pinahihintulutan na pautangin. Wow naman!
Pinaliwanag pa ni Feliciano mga Ka Usapang HAUZ na ang pag Volt-In ng lahat ng government agency para sa programang “Serbisyong Dala ay Pag-asa” ay upang labanan ang nararanasang kahirapan sa pagtungo sa ahensiya ng gobyerno.
Bago matapos mga Ka Usapang HAUZ si AGM sa kanyang pagpapaliwanag ay pinasalamatan niya ang kanyang mga kasamahan sa NHA tulad nina Engr. Alph. Orticio, Dist. Manager, NHA R-4 Dist. Office Ms. Lolita L. Mediavillo, Dept. Manager NHA Community Service Dept, Mr. Roderick T. Ibanez, Regional Manager R-4 at iba pa.
Kabilang din sa mga lumahok sa People’s Caravan ang Kadiwa Stall na nagbenta ng murang mga bilihin tulad ng bigas, gulay, karne at iba pa, kasama rin sa pagbibigay serbisyong legal ang PAO, mayroon ding medical at dental service kung saan dinagsa ng daan daang aplikante ng trabaho ang PESO katuwang ang DOLE, sagot naman ng Department of Agriculture ang pagtuturo sa tamang pagtatanim ng mga halaman, maging ang LTO, PNP TESDA at iba pang sangay ng gobyerno ay present sa nasabing People’s Caravan.
Nangako ang NHA People’s Caravan team leader na na magtutuloy tuloy pa ang nasabing programa at target ng mga ito na malibot ang buong Bansa para ipaabot ang “Serbisyong Dala ay Pag-asa” gobyerno ang lalapit sa tao hindi ang tao ang lalapit sa gobyerno.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag Txt sa 09352916036