Advertisers

Advertisers

REP. MARCOLETA PASOK SA MAGIC 12 SURVEY NG PAPI!

0 164

Advertisers

UMAARYA na rin pala ang PUBLISHERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES INC. (PAPI) sa pagsasagawa ng POLITICAL SURVEY na nitong nakaraang buwan ay pasok sa TOP 12 CHOICE si SOCIAL AMELIORATION AND GENUINE INTERVENTION ON POVERTY (SAGIP) PARTYLIST REP. RODANTE MARCOLETA at ang nanguna para sa SENATORIAL BETS SURVEY FOR 2025 MIDTERM ELECTIONS ay si EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.

Marami pa rin ang pabor para manatili sa posisyon si REP. MARCOLETA na produkto ito ng FARMERS FAMILY mula sa PANIQUI, TARLAC at pangalawa siya sa siyam na magkakapatid.

Hikahos man sa buhay ang kanilang pamilya noon ay napagsikapang makapag-aral hanggang sa natamo nito ang DOCTORATE DEGREE sa PUBLIC ADMINISTRATION mula sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, DILIMAN, QUEZON CITY; MASTER’S DEGREE sa kursong BUSINESS ADMINISTRATION sa UNIVERSITY OF THE EAST.., at kumuha rin siya ng kursong DEVELOPMENTAL LEADERSHIP sa HARVARD KENNEDY SCHOOL.



Sa isinagawang SURVEY NG PAPI nitong August 15-19 na 1,500 katao ang naging respondent ay si EX-PRESIDENT DUTERTE ang nanguna sa rating na 75%; kasunod si ANTI-CRIME AND TERRORISM COMMUNITY INVOLVEMENT AND SUPPORT (ACT-CIS) PARTYLIST REP. ERWIN TULFO sa rating na 55% at ang mga sumunod ay sina SEN. IMEE MARCOS; EX-SEN. PRESIDENT TITO SOTTO; DR. WILLIE ONG; SEN. CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO; RONALD “BATO” DELA ROSA; EX-MANILA MAYOR ISKO MORENO; EX-SEN. MAR ROXAS; SAGIP PARTYLIST REP. MARCOLETA; DEPARTMEBT OF NATIONAL DEFENSE (DND) SECRETARY GILBERT “GIBO” TEODORO at 12 X-MALACAÑANG SPOKESMAN HARRY ROQUE.

Ang mga respondent ay binigyan ng listahan ng mga pangalan na maaaring kumandidato sa 2025 ELECTIONS..,na 24 names ang pinagpilian para sa TOP 12 CHOICES.

Lumalabas sa PAPI SURVEY na marami pa rin ang tagasuporta ni EX-PRES. DUTERTE dagdag pa ang puntos sa magandang performance ng kaniyang anak na siyang VICE PRESIDENT at EDUCATION SECRETARY sa ngayon.

Ang nagpataas naman sa rating ni ACT-CIS REP. TULFO ay bunsod sa kahit maikling naging panunungkulan nito bilang dating DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) SECRETARY ay nakiha nito ang malaking suporta ng publiko sa inilunsad na PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4P’s).., na base sa pagpupunto ni POLITICAL ANALYST at UNIVERSITY OF SANTO TOMAS POLITICAL SCIENCE PROFESSOR DENNIS CORONACION ang naging performance ni REP. TULFO ang naging BIG FACTOR sa pagdami ng mga naniwala sa kaniyang kakayahan bilang isang mambabatas.

Sa puntos naman ni REP. MARCOLETA ay ang kaniyang mga naging performance na noong taong 2017 ay Isa ito sa 54 LAWMAKERS na KOMONTRANG IBALIK ang DEATH PENALTY.., at isinusulong din nito ang FREE TUITION FEES sa COLLEGES.

Co-author din si MARCOLETA sa panukalang-batas na naglalayong magbigay ng libreng basic medicine services sa mga mamamayan at pati na sa magna carta para sa mga mahihirap.



Ang iba pang panukakalang-batas na isinusulong nito ay ang proteksiyon ng mga FILIPINO CONSUMERS sa patuloy na pagtaas ng presyo ng LPG gas mula sa LPG industry.., na nilalayon din nitong paigtingin ang RENEWABLE ENERGY INDUSTRY sa pamamagitan ng GREEN ENERGY AUCTION PROGRAM.

Maraming isinusulong na panukala si MARCOLETA para sa kapakanan ng mga dukha o mahihirap at ang HB176 ay naglalayong bumuo mg OVERSEAS FILIPINO WORKERS SOCIAL SECURITY at RETIREMENT na siyang nagpatanyag sa kaniyang kakayahan at dedikasyon sa pag-asiste sa ikaaalwan ng sambayanan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.