Advertisers

Advertisers

HIMAGSIKAN SA PAMAHALAAN (2)

0 179

Advertisers

MAY katwiran si Gobernadora Susan Yap na hindi kabahan sa mabilis na paglago ng kabuhayan ng Tarlac. May sapat na imprastraktura ang lalawigan upang suportahan ang paglago. Nandiyan ang Clark International Airport na nagsisilbing pangatlong paliparang pandaigdig sa likod ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) and Mactan-Cebu International Airport. Nandiyan ang tatlong expressway na totoong nagpapasigla sa daloy ng mga mamamayan at kalakalan sa lalawigan at iba pang karatig na lalawigan.

Hindi matatawaran ang halaga ng SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway), TIPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway), at CCLEX (Central Luzon Link Expressway). Tarlac ang lalawigan na nasa gitna ng Gitnang Luzon at ito ang nagdudugtong sa mga karatig na lalawigan. Sa loob ng isang dekada na sumulpot ang mga expressway na ito, bumilis at sumigla ang kalakalan sa lalawigan na ito, ayon sa gobernadora.

Sa pakikipag-usap ni Yap sa mga kasaping mamamahayag sa pulong-balitaan ng Kapampangan sa Media, Inc. (KAMI) noong nakaraang linggo sa Angeles City, binigyan linaw ng gobernadora ang pagbubukas ng serbisyo ng ilang airline company sa Clark International Airport. Bagaman nasa Angeles City at Mabalacat sa Pampanga ang malaking bahagi ng paliparan, sumisigla ang kalakalan sa Tarlac dahil katabi nito ang New Clark City, ang komunidad na nasa katabing bayan ng Capas at Bamban sa Tarlac.



Ayon kay Yap, plano ng Philippine Air Lines ang palakasing ang serbisyo nito sa paliparan ng Clark at nangangalap ito ng mahigit 1,000 bagong manggagawa mula sa Gitnang Luzon. Hanap nito ay mga aplikante, aniya. Nagbukas na ang ibang airline company bilang bahagi ng kanilang expansion program. Mas lalakas ang paliparan sa snadaling buksan ang serbisyo ng PNR doon sa 2028, aniya.

Hindi lang sa larangan ng imprastraktura nagaganap ang himagsikan sa gobyerno sa Tarlac, ayon kay Yap. Kahit sa sektor ng pananakahan, mabilis ang paglago, aniya. Tradisyunal na tanim ng Tarlac ang palay at kahit tubo. Bubuksan na ang sugar season kung saan nagtatanim ng tubo ang mga magsasaka doon upang gawing asukal.

Sumigla ang lalawigan sa manukan at babuyan at lumakas ang produksyon ng Tarlac sa dalawang subsector ng pananakahan. Bahagi ito ng pagsulong ng kaunlaran sa lalawigan, aniya. May mga programa rin ang lalawigan upang mapalaganap ang pagtatanim ng iba’t-ibang pakikinabangang tanin kasama ang high value crop, ayon kay Yap.

Totoong patuloy ang pag-unlad ng Tarlac, ayhon kay Yap. Pabiro namin sinabi kahit walang confidential fund.

***

MAY madamdaming pahayag si Commodore Jay Tarriela, ang spokesman ng Philippine Coast Guard tungkol sa isyu ng West Philippine Sea: “We firmly believe that the power of technology cannot be solely measured by its sophistication or complexity, but rather by the positive impact it brings to the world. Despite having lesser technological capabilities compared to China, we have successfully countered their bullying behavior and even compelled them to modify their actions. Furthermore, it is crucial to emphasize that our utilization of technology empowers the Filipino people by providing them with accurate information and enabling them to combat fake news and false narratives that have plagued our nation in recent years. With access to the right information, I firmly believe that the patriotism of the Filipino people will unite us as a nation once more.”



***

NAHIHIRAPAN bumangon si Sara sa kahihiyan na inabot niya tungkol sa isyu ng hinihingi niya confidential fund mula sa Kongreso. Maaari niyang makuha dahil hindi nag-iisip ang maraming kasapi ng Kongreso – Senado at Kamara sa de Representante. Pero hindi basta maalis sa isipan ng mga mamamayan na ang confidential fund are para nakawin ni Sara. Sa maikli, kasabwat ni Sara ang Kongreso sa pandarambong sa pera ng sambayanan.

Kakatwa ang sitwasyon ni Sara. Kampi si Gibo Teodoro, kalihim ng Tanggulang Bansa, sa hininging confidential fund na P150 milyon para sa Deped, ngunit walang sinabi tungkol sa P500 milyon sa OVP. Dapat mapunta sa DND at hindi sa OVP ang halaga. Hindi trabaho ni Sara ang usapin ng pagtatanggol sa bansa. Trabaho niya ang maghintay na mamatay ang pangulo upang siya sa humalili sa natitirang termino.

Panahon na linawin ng Korte Suprema ang isyu ng confidential fund. Ano ito? Ano pananagutan at poder ng mga nangangasiwa ng confidential fund? Saan ito ginagamit? May limit ba ito? Ano ang parusa kapag mali ang paggamit? Ang problema ay walang nagdadala sa usapin na ito sa Korte Suprema. Kailangan bigyan ng paliwanag ang confidential fund, ani Neri Colmenares.

***

MGA PILING SALITA: “Bakit hahanapan ang Makabayan bloc ng ‘proof’ ng maling paggamit ni Duterte ng confidential funds? In the first place, ang issue nga na nire-raise nila ay ayaw ilabas ni Duterte ang detalye ng paggamit niya ng pondo. Saan napunta ang P125M na ginastos in 19 days?” – Teddy Casino, netizen, dating mambabats

“Good governance necessitates transparency and accountability. And you obviously cannot achieve transparency and accountability by greedily pushing to enjoy millions of confidential funds. At pwede ba Madumb, hindi trabaho ng OVP at DepEd ang paglaban sa insurgency.” – Leisbeth Recto, netizen, kritiko

“This IS sickening. The ‘news’ that ex-husband Gabby Concepcion has asked some hugs from ex-wife Sharon has appeared more than 20 times on my news feed. I did not open it because I’m not fond of showbiz news. Yet, it still keeps on appearing for no apparent reason. I wonder why. There is better news. Not this example of what we call ‘yellow journalism.’” – PL, netizen

“The dismissal of cases against Maria Ressa is most welcome but many journalists, activists, and human rights defenders – like Leila de Lima – are still behind bars, while some are killed or face threats of violence. The demand for justice and an end to impunity must continue.” – Gideon Lasco, netizen, opinion writer

***

MAY magandang panukala ang netizen at kritiko na si Joel Cochico. Kung totoong makabayan si Robin at Bato, bakit hindi sila magpadestino sa BRP Sierra Madre at samahan ang mga sundalo ng Philippine Navy doon? Ani Joel: “Puro dakdak ang mga burot na ‘to.” Sumagot ako sa sinabi ni Joel. Bakit hindi isama sina Bong Go, Joel, Francis, Pandaya, JV, Jinggoy? Puro dakdak din sila at walang maiambag sa kabutihan ng bansa.

Ito ang malaking problema ng bansa. Walang pulitiko na tumutulong at gumagawa ng tama. Santambak na palpak at magaling lang sa salita. Ang BRP Sierra Madre ay ang kalawang sasakyang pandagat na isinadsad ng Filipinas sa Ayungin Shoal. Gusto ng Peking na hatakin iyo ng gobyerno dahil ipinangako umano ito ni Rodrigo Duterte. Walang may gusto na alisin ito at kahit si Duterte ay napahiya sa amo niya sa Peking.

Leave A Reply

Your email address will not be published.