Advertisers
MASAYANG inilunsad ng NET25 ang kanilang Star Center Artist Management kasabay ng pagpapakilala ng may 30 talentadong indibidwal.
Nitong nakalipas na Sept. 15, 2023 sa EVM Convention Center ay idinaos ang event na pinamagatang Star Kada: NET25 Star Center Grand Launch at roon ay iniharap na sa entertainment media ang mga kabataang sumailalim sa workshop at matinding pagsasanay.
Ang award-winning actor at director na si Eric Quizon ang NET25 Star Center head. Aniya, super proud daw siya sa kanilang mga bagong artists. Tiniyak din ni Direk Eric na lagi siyang naroon para gabayan ang mga ito.
“This show is a testament to their hard work, dedication and the belief that anyone can achieve their dreams with the right training and support.”
Malaki ang kumpiyansa ni Eric na makakamit ng mga talentong ito ang kanilang mga pangarap lalo pa at nakikita umano niya ang pagsisikap ng mga ito na ayusin at gawing tama ang mga ipinagagawa sa kanila.
Sobra rin umano siyang napahanga ng mga ito sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.
Naniniwala naman si NET25 President Caesar Vallejos na may mararating ang kanilang mga bagong talento.
“These new talents have been carefully selected for their unique perspectives, exceptional skills and the passion they bring to their craft,” sey ni Vallejos.
Ang mga bagong talento ng NET25 Star Center na napili mula sa may 400 na nag-audition ay sina Aaron Gonzales, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Migs Pura, Marco Ramos, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Albert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shanicka Arganda, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro at Zach Francisco.
Kasabay nito, may dalawang show na nakatakdang gawin ang mga kabataang ito, ang Star Kada: The Road to Kada 25 na isang afternoon reality show, at Kada 25, isang musical, light drama series. (BLESSIE K. CIRERA)