Advertisers

Advertisers

Sylvia, Ria, at Lorna nadurog ang mga puso sa ‘Monster’

0 13

Advertisers

NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama na Monster.
Nagsimula ang partnership nina Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna nuong nakaraang summer nung sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France para sa espesyal na screening ng Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at dinirek ni Richard V. Somes.
Maliban sa screening ng Topakk sa Cannes, dito rin nagsosyo ang Nathan Studios at si Lorna sa pagbili ng mga pelikulang kanilang ire-release for theatrical showing dito sa Pilipinas.
Sa ilalim ng direksyon ng nirerespeto at multi-awarded direktor na si Hirokazu Kore-eda, tampok sa Monster ang mahuhusay na Japanese actors na sina Sakura Ando, Eita Nagayama, Soya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yuko Tanaka.
Umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at sinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.
“Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia na kilala para sa kanyang powerful performances bilang isang ina sa pelikula at telebisyon. “Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-dami ng aking napanood, isa itong Monster na talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina.”
Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang Monster sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kumpanya. “We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers,” sabi ni Ria.
Karapat-dapat ding banggitin na ang Nathan Studios ang nasa liood ng mga delakidad na proyekto gaya ng Cattleya Killer na napapanood ngayon sa streaming platform na Amazon Prime Video; at ang Topakk na isang action-thriller genre film na kasalukuyang umiikot sa iba’t ibang prestihiyosong international film festivals sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Switzerland, Japan, at Amerika.
Para kay Lorna naman na tinaguriang Grand Slam Queen ng Pilipinas, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng Monster, “Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda.”
Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng Monster sapagkat pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso.
“Isa na ito sa pinaka-magandang mga pelikula na napanood ko. Mapapa-isip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster,” paglalarawan ni Sylvia sa Monster na lumaban para sa Palm d’Or sa katatapos lamang na 76th Cannes Film Festival. Dito rin pinarangalan ang pelikula ng Best Screenplay award.
Bilang isang ina, nagkakaisa sina Sylvia at Lorna na karapat-dapat panoorin ng bawat Pilipino ang Monster dahil sa mga aral ng buhay na kanilang matututunan dito gaya ng pagmamahal sa anak at pagpapahalaga sa pamilya.
Para naman kay Ria, may matinding kurot sa puso ang Monster para sa kanya bilang isang anak na may sariling pangarap at minimithi sa buhay. “Iba ang pagmamahalan ng isang ina at ng kanyang anak. Malalim ito at napakasakit kung ito ay mawawasak,” paliwanag ni Ria.
Nagkakaisa rin ang tatlong aktres na major shocker ang ending ng pelikula matapos nitong yanigin ang buong mundo sa husay ng storytelling at acting na mapapanood dito.
Ipalalabas ang Monster sa mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11 at kasalukuyang naghahanda ang Nathan Studios kasama ang isa pa nitong partner — ang 888 Films International — para sa isang red carpet special screening na dadaluhan ng mga bigating industry personalities gaya ng mga direktor, mga artista, press at online influencers, at mga kritiko ng pelikula.
Para sa karagdagang impormasyon at exciting news updates ukol sa Monster at sa ibang pang mga proyekto ng Nathan Studios, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at i-like ang Nathan Studios Inc. sa Facebook.

Leave A Reply

Your email address will not be published.