Advertisers

Advertisers

Barbie napatili nang makitang hubad si David

0 7

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

UNANG nagkasama sa seryeng Maria Clara at Ibarra ng GMA 7 sina Barbie Forteza at David Licauco.
Dahil naging successful ang nasabing serye kaya binigyan agad sila ng follow-up project ng nasabing network. Ito ay ang Maging Sino Ka Man.
Sa muli nilang pagsasama sa isang serye, may nadiskubre pa rin si Barbie kay David, kahit matagal silang nagkasama sa Maria Clara at Ibarra.
Pagbibisto ni Barbie, “Ever since pala kasi na magkatrabaho kami, never siyang nag-tsinelas!
“So dito sa Maging Sino Ka Man, since lagi siyang naka-tsinelas, nun ko lang nakita yung mga paa niya.
“Ang cute pala ng daliri niya sa paa,” at tumawa si Barbie.
Dagdag niya, “Malinis saka neat, yun.”
Isa pang pagbibisto ni Barbie sa kanyang sarili ay nu’ng napanood niya ang Maging Sino Ka Man, napatili siya sa isa sa mga eksena sa serye ni David na nakahubad ito.
“Nagulat ako! Kasi akala ko wholesome na siya ngayon, nagulat ako, may nakita akong nipples,” natatawang sabi ni Barbie.
“Okay naman siya, inalagaan naman yung shot, nagulat lang talaga ako.
“I guess isa yun sa magpapatunay na we will be seeing more of a fearless David in this project. Talagang binigay na niya lahat, so marami tayong aabangan sa kanya,” aniya pa
Never daw nakita ni Barbie sa taping nila na nakahubad si David “unfortunately,” at muling tumawa ang Sparkle actress saka niya inulit, “sa kasamaang-palad po.
Kuwento pa ni Barbie, “Actually wala nga ako sa eksenang yun, e, so hindi ko alam na may ganung eksena.”
***
DONITA SUKO NA SA FRIENDSHIP KAY TEKLA
SA pagsalang ni Donita Nose sa “hot seat” ng Kapuso weekly talk show na “Sarap, ‘Di Ba?” natanong siya ng host nitong si Carmina Villarroel kung bumitiw na nga ba siya sa pagkakaibigan nila ni Super Tekla, at propesyonal na lang ang kanilang samahan?
Noong kasagsagan kasi ng pagiging pasaway at pag-a-attitude ni Super Tekla, iniyakan talaga ito ni Donita Nose. Inamin nga niya na sinukuan niya na ang friendship nila ng ka-tandem sa pagpapatawa.
Napa-‘Oh my gosh!’ muna si Donita sa tanong sa kanya ni Carmina, bago siya nagsalita tungkol sa nangyaring falling out sa pagitan nila ni Super Tekla.
“Kinausap ko ‘yon (Tekla). Actually, nasa vlog namin ‘yon. ‘Yung umiyak na talaga ako. Sobrang wala, desperado na ako na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya,” simulang pagbabahagi ni Donita.
“Sumuko talaga ako that point. Siguro mga ano rin, nine months kaming hindi nag-usap,” aniya pa.
Kasunod nito, muli silang nagkausap at sa awa naman naman daw ng Diyos ay naayos nila ni Tekla ang kanilang mga issue sa buhay.
“Okay naman na kami. Siya kasi medyo ‘yung utak talaga noon minsan ganoon. Minsan nawawala, nagaganito, nagaganyan.
“Ako kapag gusto ko siyang ayusin, to the point na kaya ko naman at kaya kong tumulong, kaya ko siya pagsabihan, ginagawa ko naman. Pero kung ‘yung tao kasi hindi na talaga kaya ‘yung mga sinasabi ko talagang bibitaw ka.
“Siya naman nag-reach out. Sabi niya ”Te halika na mag-vlog na tayo ulit. Kakatapos lang ng tour namin, ‘yung Canada. May upcoming shows pa kami na magkasama,” patuloy pang chika ni Donita.
Minsan na rin daw niyang kinausap si Tekla na trabaho na lang ang isipin nila at kalimutan na ang kanilang pagkakaibigan. Pero sey ni Donita parang hindi rin daw nila kaya ni Tekla ang balewalain na lang ang lahat ng kanilang pinagsamahan.
“Minsan sinasabi ko sa kanya na maging professional na lang tayo, trabaho lang tayo. Pero hindi pa rin, e.
“Hindi mo pa rin talaga magagawa nang tama ‘yung trabaho ninyong dalawa kung mayroong namamagitan sa inyo na parang trabaho lang ‘to,” mariin pang sabi ni Donita Nose.

Leave A Reply

Your email address will not be published.