Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TILA di napansin si Dennis Trillo na kabahagi rin ng serye nila ni Bea Alonzo.
Pansin kasi na tila pagtuntong nila sa mall ay ang aktres lang ang tinilian at pinapansin ng fans.
Nagmukha lang tuloy bitbit ni Bea si Dennis.
Mas hinihiyawan nga si Bea kumpara kay Dennis.
Posible hindi naman napapanood si Dennis dahil di na rin mabilang ang proyektong nagawa nito sa loob at labas ng GMA-7.
Napansin lang ng netizens na parang di pansin at dedma si Dennis.
Samantala, sabay sila ni Bea na nagtungo ng mall.
Bukod tangi lang kasi na pangalan ni Bea ang sinisigaw ng mga usisera at mall shoppers.
Meron man kay Dennis pero di katulad kay Bea na halos mabiyak na ang mga semento ng mall sa hiyawan at sigawan sa pagbanggit ng namesung ng aktres.
Bahagya bang nakalimutan si Dennis ng masa lalo na at Mara Clara pa lang ang nagawa nito nung mawala nang tuluyan ang pandemya.
Hmmmp, sign na nakalimutan si Dennis or napabilang na siya sa La Ocean Deep sey pa ng usiserang Maritess.
***
Concert nina Gabby at Sharon, venue para magkaayos na sila ni KC
SA kabila na pinasinungalingan na ni Sharon Cuneta na may favorites ang anak na si KC Concepcion, di nga raw true ‘yun.
Pare-pareho nga raw mahal nito ang kanyang mga anak at walang favorites.
Isa kaya sa isyu na ito ang ikinakatampo ni KC na may kumalat na tsika na fave nga raw ni Mega ang panganay nito kay Kiko na si Frankie.
Ika pa nga ni Sharon na nalungkot ito sa unfollowhan pero pinanindigan nitong pamilya pa rin sila.
Wish naman ng kanyang magulang na makaaten ang panganay nila na si KC sa kanilang concert.
Ika nga ng mga Maritess na baka nga raw dito na matapos ang tampuhan blues ng mag-ina.
Magiging venue pa yata ang kanilang concert para sa pagkakaayos ng mag inang Sharon at KC.
Well, well, well…Yun na!