Advertisers

Advertisers

Tonipet nami-miss ang hosting ng food and lifestyle show

0 29

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAKATSIKAHAN namin ang bagong Entertainment head ng NET25 na si Tonipet Gaba sa grand launch ng Star Kada Star Center na ginanap sa EVM Convention Center kamakailan.
Aniya, excited daw siya sa kanyang bagong role bilang hepe ng entertainment division sa nasabing network.
“Galing po ako sa kabila sa GMA News and Public Affairs pero po siguro humigit-kumulang na 20 years po ako sa News and Public Affairs. Pero lingid po sa kaalaman ng iba, ako po ay galing sa Repertoire Philippines, sa teatro, so di po nalalayo sa akin na bumalik tayo sa entertainment because it’s all about acting and performance po. Dati rin po kasi akong umaarte sa entablado. Nahinto lang po noong pumasok ako sa telebisyon, “aniya.
Hirit pa niya, hindi raw naman siya nahirapan sa pag-aadjust sa kanyang bagong trabaho dahil nasa linya raw naman niya ang kanyang pinasok.
“Hindi naman po ako nahirapan bagkus ako po ay na-excite at na-challenge kasi iba po itong..We work hard po to see this day na ma-invite ka ng isang network to grow with them and explore possibilities of growing with other divisions and this division which is entertainment kaya excited po kami na palakihin ang division, palakihin ang entertainment division at palakihin ang mga bata creativitywise,” paliwanag niya.
Pagbabahagi pa niya, marami rin daw inihahandang de kalidad na shows sa NET25 sa mga sumusunod na araw.
“Marami po kaming programa. We have launched our morning block. Marami po kaming ila-launch sa trade launch sa September 29 at doon namin ire-reveal iyong mga magaganap sa first quarter of 2024 kasama pa iyong Star Center kids natin,” pagbibida niya.
Bilang dating TV host ng food magazine at children’s arts and craft show, aminado naman siyang nami-miss niya ang pagho-host ng mga programang may ganoong klase ng format.
“Nami-miss ko po. Naging bahagi po kasi ako ng Pop Talk at Unang Hirit. As a matter of fact, meron po kaming morning show ni Love Anover na narito na rin sa network .Tini-test po namin iyong food segment ko roon na eventually ay magiging full show .Tini-test lang namin kasi advocacy ko po kasi na tulungan ang restaurant at tourism industry natin so may shino-shoot na po akong mga materyal,” pagtatapos niya.
Graduate ng Literature and Humanities sa Dela Salle University, si Tonipet ay naging host din ng mga programang Art Angel, Tara, Let’s Eat, Pet Ko, Kids on Q at marami pang iba.
Kasalukuyan siyang napapanood sa mga programang Kada Umaga at Love, Tonipet and Everthaaang! sa NET25.

Leave A Reply

Your email address will not be published.