Advertisers
UMAASA ngayon ang mahigit 10,000 ex- Saudi Filipino Workers na magiging maayos at mababawi nila ang hindi pa nababayarang suweldo na pinaghirapan ng mga ito noong nagtrabaho sila sa isang malaking construction company na umano’y nabangkarote, ilang taon na ang nakalilipas.
Ang nakatakdang pagbisita sa darating na Oktubre ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kingdom of Saudi Arabia ay ilan lamang sa tatalakaying isyu upang maresolba ang hindi pa nababayarang sahod ng mga OFW na aabot sa dalawa (2) bilyong Saudi Riyal o humigit-kumulang P30.5 bilyong piso.
Sinabi ni Migration recruitment expert Manny Geslani na umaasa ang mga OFW na sasagutin ni Pangulong Marcos ang Crown Prince at Prime Minister na si Mohammed bin Salman, na nag-anunsyo ng paglalaan ng Saudi government ng dalawang bilyong riyal o humigit-kumulang P30.5 bilyon para balikatin ang hindi pa nababayarang sahod sa humigit-kumulang 10,000 OFW na nagtrabaho sa Saudi construction firm na nabangkarote noong 2015.
Inungkat ng yumaong Kalihim ng Department of Migrant Workers Susan “Toots ” Ople ngayong taon ang negosasyon para sa pagbabayad ng hindi pa nababayarang sahod ng 10,000 construction worker na natanggap sa Saudi Arabia mula 2011-2014
Gayunpaman, hindi nabayaran ng Saudi |Arabia ang siyam (9) na construction companies noong 2014 nang bumulusok ang presyo ng krudo mula 120-40 dollars kada bariles na nagtulak sa 9 na construction companies na malugi at hindi makabayad ng sahod sa 10,000 pinoy workers.
Ang mga talakayan sa pagbabayad ng ‘unpaid salary’ ay pinasimulan ng yumaong Kalihim Ople at ayon sa Saudi Arabia government ay handang bayaran ang mga claimants.
Gayunpaman hanggang sa pagkamatay ni Kalihim Ople ang mga pag-uusap sa paghahabol ng suweldo ay nasa antas pa rin ng komite sa Saudi habang si DMW Undersecretary Bernard Olalia ang namumuno sa panig ng DMW ngunit kamakailan lamang ay bini-verify pa rin ng komite sa Saudi Arabia ang bilang ng mga claimants na isinumite ng DMW.
Ang DMW, bilang isang bagong departamento, at pagkakaroon ng Ministry of Social Welfare and Human Resources bilang counterpart sa Saudi, ay may ilang mga disadvantages o pag-urong. Una, pinamamahalaan ng Saudi labor laws ang mga pag-aangkin ng mga manggagawa at ang Ministry of Labor ang may tungkuling ipatupad ang mga batas na ito.
Pangalawa, ang proteksyon ng mga manggagawa ay mandato ng DFA at nagpapatuloy hanggang ngayon, kasama ang DMW. Sa ibang paraan, ang presensya ng DFA at DOLE ay napakahalaga. Ito ay magdaragdag ng epekto sa mga pag-uusap dahil ang kani-kanilang mga counterpart sa Saudi Ministry of Foreign Affairs and Labor ay dapat tumanggap sa kanila bilang isang ‘matter of protocol.’ (JOJO SADIWA)