Advertisers

Advertisers

Pag nasuspinde na…It’s Showtime papalitan ng show nina Luis, Robi at Melai

0 16

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PANSAMANTALA raw na ang programa nina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Contiveros ang hahalili sa suspensyon sa programang It’s Showtime.
Sanay na marahil ang Kapamilya na masuspinde, matatandaan na noong 2010 ay nasuspinde rin ang Showtime, 30 days nang magbigay ng pahayag si Rosanna Roces laban sa mga teachers panahon pa ni MTRCB Chair na Senador na ngayon na si Grace Poe.
Napalitan ng Magpasikat ito noon at si Osang ay nasibak sa It’s Showtime.
Pangalawang pagkakataon na nga ng Showtime na masuspinde.
Sa tsika ni CSF sa kanyang programa ay di pa raw alam ang titulong ipapalit sa Showtime.
Pero nagsimula na nga raw ang teyping nina Luis, Robi at Melai na siyang ipapalit sa It’s Showtime.
Tiyak daw na maninibago ang viewers sa bago nilang mapapanood sa oras ng Showtime.
***
KathNiel halata ng netizens na may cold war
NAPANSIN na tila hindi magkasama na naglakad sa red carpet sa nakaraang ABS-CBN Ball sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Napabalita noon na nag-split na raw ang dalawa pero kanila itong itinanggi.
Pansin din noon ang closeness ng dalawa sa labas. As in, showy ang dalawa sa kanilang lambingan.
Pero ito nga, nadama ng netizens ang coldness ng dalawa.
Dahil sa di nila pagsasabay sa paglalakad sa red carpet ay nabigyan ito ng kulay ng netizens.
Damang-dama na raw ang coldness ng KathNiel sa isa’t isa at maitatanggi pa kaya nila na nahalata ang panlalamig nila nito lang nakaraang ball.
Well, well, well…’Yun na!