Advertisers

Advertisers

5,200 BSKE candidates inisyuhan ng show cause order ng Comelec

0 12

Advertisers

NAGLABAS ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo laban sa mahigit 5,000 kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia Garcia, nakaka 5,200 na na-show cause order at mahigit 1,000 na ang sumagot.

Sa 1,000, base sa initial assessment, 300 aniya ang hinog na hinog para sa disqualification.



Nitong Oktubre 6, naghain na ng 82 petition for disqualification ang Comelec Task Force Anti-Epal. Nai-sampa na rin ang mga kaso laban sa 10 kandidato para sa umano’y pagbili ng boto.

Pahayag pa ni Garcia, ang mga desisyon sa mga kaso ng disqualification ay ilalabas bago ang BSKE sa Oktubre 30.