Advertisers
Handang-handa na ang Manila International Airport Authority (MIAA) na siyang nangangasiwa sa NAIA terminals, gayundin ang mga local airlines, sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero kaugnay ng paparating na ‘Undas’ na, ayon mismo kay MIAA general manager Bryan Co, ay maaring umabot ng 1.2 milyon, mula October 27hanggang sa matapos ang ‘Undas.’
Sa katunayan, nag-inspeksyon si general manager Bryan Co kung saan sa kanyang pagbisita sa NAIA Terminal 3 ay sinamahan siya ng mga opisyal ng Cebu Pacific (CEB).
Tiniyak ni GM Co na plantsado na ang mga kailangan para sa maayos na operasyon, kasama na ang pagkansela ng mga leave ng mga empleyado para masigurong sapat ang bilang ng mga kawani na mag-aasikaso sa mga pasahero at mga pangangailangan nila.
Pinaghahanda na rin ni GM Co ang mga airlines sakaling magkaroon ng flight delays o cancellations. Partikular na ibinilin nito ang agarang pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong pasahero.
Siniguro naman sa kanya ni Michael Madamba ng CEB na may usapan na sa mga nagtitinda ng pagkain sa loob ng airport kung saan mabilis ang magiging pagbigay ng pagkain sa mga apektadong pasahero sa pamamagitan lamang ng pag-scan ng bar code ng kanilang boarding pass.
Sa oras na magkaroon ng announcement na ang isang flight ay delayed o canceled, awtomatiko nang ihahanda ang mga pagkain para sa mga pasahero. Bukod diyan, may mga naka-assign na ground crew na siyang hahanap at magbibigay ng impormasyon sa mga pasahero ukol sa status ng kanilang flights, gayundin ay tutulong sa pagpapabilis ng mga proseso gaya ng pagcheck- in ng bagahe at pagkuha ng boarding passes, lalo na ‘yung mga handcarry bags lang ang dala.
Sa parte ng Philippine Airlines (PAL), nagpalabas naman ng travel reminders para sa mga lilipad sa panahon ng Undas at Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Sa inilabas na statement ni PAL spokesperson Ma. Cielo Villaluna, una sa lahat ay dapat umanong alamin ng mga pasahero ang kanilang terminal assignments: Sa Manila, ang PAL international flights ay nago-operate in and out sa NAIA Termila 1 habang ang PAL domestic flights ay nago-operate naman sa NAIA Terminal 2.
Para sa domestic travel, dapat nasa airport two hours bago ang flight at tatlong oras naman kapag international travel. Maganda rin umanong mag-check in online 24 hours bago ang flight at alamin ang baggage allowance ng ticket.
Sinabi pa ni Villaluna na sa outbound international travel, dapat na alamin ang travel requirements ng kanilang destinasyon. Sa paglalakbay naman sa loob ng Pilipinas, dapat na fill up ng E-travel bilang requirement ng IATF.
Nagbukas din umano ang PAL ng pay lounge sa NAIA terminal 2 para sa domestic passengers kaya ang mga bumibiyahe sa Economy Class at non-PAL elite at non-Premiere elite ay maari nang makaranas ng PAL domestic Mabuhay lounge sa pamamagitan ng paggamit ng pay lounge. Bukod diyan ang domestic Mabuhay Lounge para sa business class/ elite/ premiere lite passengers.
Naghayag din ng kahandaan ang AirAsia Philippines sa inaasahang dami ng pasaherong lilipad kaugnay ng Undas.
“We know how important this annual commemoration is to most Filipinos and AirAsia is more than ready to accommodate the greater influx of travelers during these times. We have enough manpower to meet increased operational requirements and augmented Customer Happiness helpdesks at the NAIA Terminal 2. Our guests can count on our very reliable Allstars team which observes the highest standards of safety inflight and on the ground. In fact, our On-Time-Performance over the past weeks registered a high of 97%.,” ayon kay AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Country Head First Officer Steve Dailisan.
“Additionally, to ensure the continued safety and swift travel of our guests, the airline continues to coordinate and align its efforts with our regulatory partners at the Department of Transportation (DOTr), the Manila International Airport Authority (MIAA), and the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),” dagdag pa ni Dailisan.
Para sa mas swabeng biyahe ng mga pasahero, angAirAsia ay naglagay ng 20 check-in counters sa NAIA 2 at ang guests ay maari ding magcheck-in sa pamamagitan ng via self-check-in kiosks o airasia Superapp.
Naglunsad din ng promo fares ang nasabing airline gaya ng PISO SALE mula Oktubre 16 hanggang 25 para sa domestic atinternational travel mula March 4, 2024hanggang March 19,2025.
Magkakaroon na rin ito ng bagong ticketing office sa NAIA Terminal 3 para mas mapagsilbihan pa ang mga pasahero nito.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.