Advertisers

Advertisers

Tulong naibigay ni Bong Go sa pamilyang may anak na kailangan ng operasyon

0 18

Advertisers

Ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang napakahalagang tulong sa isang pamilya sa Kiamba, Sarangani na ang isang anak ay may malubhang kondisyong medikal.

Sa tulong ni Go, ni Kiamba Mayor George Falgui, at ng Medical Assistance Fund ng Department of Health (DOH), naibsan ang malaking problema ng pamilya para sa surgical intervention ng kanilang anak.

Si Eunila Manikil ay lubhang nangangailangan ng intracranial at extracranial repair surgery para sa kanyang anak na ipinanganak na may Naso-Ethmoidal Meningoencephalocele.



Noong una ay humingi ng tulong sa isang local medical mission si Eunila ngunit ang buong saklaw ng tulong medikal na kailangan nila ay higit sa kapasidad ng lokal na misyon.

“Kinuha kami dito ng alas siete, a-attend sana ako ng medical mission, nahuli naman ako noong medical mission noong Biyernes kaya nag-react na si mayor na amin na lang daw dalahin sa ospital na doon na daw namin pa-operahan ang aming anak,” kuwento ng ginang.

Nakipag-ugnayan naman si Mayor Falgui kay Senator Go para sa karagdagang suporta. Si Go ang chairperson ng Senate committee on health.

Sa mabilis na pagtugon sa kahilingan ni Falgui, humingi ng tulong ang pangkat ni Go sa DOH at tiniyak na ang surgical intervention para sa bata ay agad na naisagawa sa General Santos Doctors Hospital, Inc.

“Una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Bong Go, kay senator, marami talagang salamat, Senator Bong Go,” ang pagpapasalamat ni Eunila sa senador.



Binigyang-diin ni Mayor Falgui ang napakahalagang papel na ginampanan ni Sen. Go sa pagtiyak ng tagumpay ng kanyang medical mission.

“Ipinagpatuloy namin ang aming medical mission sa pamamagitan ng inyong suporta, Senator Bong Go. Natapos talaga ang kanyang operasyon. Ang overwhelming na reaksyon ay hindi lamang mula sa pamilyang iyon, kundi maging sa buong barangay community ay natuwa sa nangyari,” anang mayor.

Pinuri rin ng alkalde ang walang humpay na pagsisikap ni Go, partikular ang pagbibigay-diin sa Malasakit Center program ng senador na gumaganap ng mahalagang papel para sa mga mamamayang nangangailangan ng ospital at atensyong medikal.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa kasalukuyan, mayroong 159 Malasakit Centers na gumagana sa buong bansa at nakahandang tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente. Iniulat ng DOH na nakapagbigay na ng tulong ang Malasakit Center program sa mahigit pitong milyong Pilipino.