Advertisers

Advertisers

Mag-asawang wanted sa estafa, dakip sa Navotas

0 11

Advertisers

NAARESTO ang mag-asawang meat vendor na kapwa wanted sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.

Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 6:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ikinasang manhunt operation ang akusado na si alyas “Dodgie”, 55, ng Brgy., Longos, Malabon City.



Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Esteban V. Gonzaga ng MTC Branch 50, Caloocan City noong February 19, 2001 para sa paglabag sa BP 22 (3 counts).

Nauna rito, 11:20 ng umaga nang madakip din ng mga tauhan ng WSS ang kanyang asawang si alyas “Marites”, 48, sa manhunt operation sa Bangus St., at Apahap St., Brgy. NBBS Kaunlaran.



Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Edison F. Quintin ng MeTC Branch 56, Malabon City noong December 22, 2008 para din sa paglabag aa BP 22 (2 counts).

Ayon kay Col. Cortes, nadiskubre ng WSS na may inilabas din na warrant of arrest ang Caloocan City, MeTC Branch 50, noong February 19, 2001 para din sa paglabag sa BP 22 (2 counts) kontra kay ‘Marites’ kaya muli itong isinilbi sa kanya ng mga tauhan ng WSS sa loob mismo ng Custodial Facility ng Navotas Police Station, 10:55 ng umaga.(Beth Samson)