Advertisers

Advertisers

B-day girl ginilitan sa loob ng apartelle

0 54

Advertisers

Ginilitan sa kanyang kaarawan ang 32-anyos na babae na natagpuang patay sa isang apartelle sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi.

Duguang nakadapa sanhi ng gilit sa leeg nang makita ang bangkay ni alyas “Sara,” ng Pasig City, sa nasabing apartelle sa Bagong Silang, North Caloocan.

Sa ulat, 3:00 ng hapon nang mag-check-in ang biktima kasama ang isang lalaki.



Bago mag-7:00 ng gabi lumabas ang lalaki at narinig ng mga empleyado ng apartelle na humihingi ng tulong si Sara.

Humingi ang mga ito ng tulong sa barangay at pulis na agad na rumesponde at nakatagpo ng dalawang cell phone at isang kitchen knife sa crime scene na ipinapalagay na ginamit sa pamamaslang.



Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing kaso.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">