Advertisers

Advertisers

“PANTAY-LANGIT NA KOTONG”, BIYAHERO UMAARAY!

0 30

Advertisers

APEKTADO ang kabuhayan ng napakaraming mamamayan sa Batangas City at Oriental Mindoro sanhi ng garapalang pangingikil ng anim na coast guard personnel sa mga motorboat operator at tripulante na nagbibiyahe sa naturang lungsod at sa mga daungan sa Brgy. Simlong at Isla Verde, Batangas City.

PCG Comdt. Admiral Ronnie Gil L. Gavan at PCG Southern Tagalog District Cdr. Cdre. Geronimo Tuvilla

Pansamantalang hindi muna pinangalan ng SIKRETA ang anim na tauhan ng coast guard habang sinisikap na makunan ng panig nina Coast Guard Southern Tagalog District Commander Cmdr. Geronimo Tuvilla at ang Batangas Coast Guard Station Commander.



Ang apat sa mga pinararatangang nangongotong na coast guard personnel ay nakatalaga sa Isla Verde, samantalang ang dalawang iba pa ay naka-assign sa daungan ng Brgy. Tabangao, parehong nasasakupan ng Batangas City.

Ang anim na diumano na tiwaling mga coast guard ay pawang nasa ilalim ng pamumuno ng Batangas Coast Guard Station Commander sa superbisyon at command ni Cmrd. Tuvilla.



Humingi ng tulong ang mga operator at crew ng mga pampasaherong motor boat, diving boat at tourist boat na nagbibiyahe mula sa Isla Verde, Puerto Galera, Oriental Mindoro at Brgy. Simlong dahil sa napakataas na suhol, lagay, payola o intelhencia na “pinasusuka” sa kanila ng mga naturang coast guard personnel.

“Ang kinokotong po sa amin na halagang dalawang libong piso ng coastguard na naka-duty sa Sitio Mahabang Buhangin, San Agustin Kanluran, Isla Verde at Sitio Berberabe, Brgy. Tabangao, Batangas City ay inaagaw pa sa bunganga ng aming pamilya at sila na lang ang aming ipinaghahap buhay araw-araw,” sumbong ng mga apektadong crewmen sa SIKRETA.



Dismayado din ang mga magbabangka (bangkero) dahil tanghali na kung gumising ang mga Coast Guard personnel sa Sitio Mahabang Buhangin, San Agustin Kanluran, Isla Verde Substation. Hindi makabiyahe sa takdang oras ang mga motor boat pagkat atrasado ang pag iisyu sa kanila ng clearance upang maglayag mula Isla Verde sa humigit kumulang na 12 nautical miles patungong Brgy. Tabangao, Batangas City.

Kapag kakaunti naman o wala pa sa minimum ang sakay na pasahero at kargamento ay tig kalahating kaban na bigas at pambili ng pang ulam ang itinatara sa kanila ng nasabing mga tauhan ng coast guard.

Bukod sa pahirap sa kabuhayan ng taga Isla Verde ay malaking dagok din sa industriya ng turismo ang kabalbalang pinaggagawa ng naturang mga coast guard personnel.

Sa kanilang reklamo ay ibinunyag din ng mga apektadong motor boat operator at crewmen na hindi sila binibigyan ng permit na makapag-dive sa Sitio Pulong Bato sa San Agapito at Nalayag sa San Agustin Kanluran ang mga pasaherong American, European tourist at iba pang dayuhang turista kapag walang padulas na Php 2K.

Nakatakdang magpulong ang mga magdaragat sa kanilang planong welga sa pagbiyahe patungo sa Brgy. Simlong at Isla Verde, Batangas City kung di aaksyon si Cmdr. Tuvilla.

Huwag sanang magpatulog-tulog sa pansitan at karakang aksyunan ni Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang seryosong paratang na ito laban sa kanyang ilang tiwaling subordinates. Aabangan din ng SIKRETA ang reaksyon ni Cmdr. Tuvilla sa isyung ito.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144