Advertisers

Advertisers

HAMON KAY NCRPO CHIEF PBGEN. TATENG NARTATEZ JR.

0 1,063

Advertisers

SA Disyembre 3, 2023 ay magreretiro na sa serbisyo si Philippine National Police (PNP) Chief PDGen. Benjamin Acorda Jr. Tulad ng dapat asahan ay maugong na naman kung sino ang masuwerteng heneral ang pipiliin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanyang magiging pangatlong hepe ng Pambansang Kapulisan.

Matunog na aspirante ang pangalan ng 10 matitikas na opisyales na kinabibilangan ng pitong miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1992, dalawang PMA Class ’91 at isang graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA). Ang lahat ay may dugong Ilokano, maliban sa isang PMAyer na mula Visayas na naging National Capital Regional Police Office (NCRPO) director.

Dahil pawang taga-North at kung tawagin ay mga FBI (Full-bloodied Ilokanos), nakalalamang – ayon sa ating KASIKRETA sa Camp Crame si NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., mula Ilokos Norte at ang classmate na sina MGen. Ronald Lee (La Union) at Criminal Investigation Group Director MGen. Romeo Caramat (Pangasinan).



Bukod sa pagiging FBI, sina Nartatez Jr., Lee at Caramat ay may kanya-kanyang backer mula sa sirkulo ng Pangulong Marcos Jr., kaya “doble dasal” ang mga PNP Chief aspirant na ito at baka sakaling mapili ng Presidente. Dapat ay totoo at tunay na maglilingkod ang susunod na PNP head lalo na ngayong ang peace and order sa bansa ay mabuway dahil sa di masawatang kriminalidad at kailigalan na karamihan pa ay mismong mga opisyales ng PNP ang sangkot.

Napag-alaman ng SIKRETA na sa lahat na aspirante, si Nartatez Jr., ang kasalukuyang “mabango sa pang-amoy” ng palasyo, bagama’t di dapat maging kampante ang kasalukuyang Metro Manila Police Director dahil may alas din sa Malacanang sina Lee, Caramat at iba pang nagnanais na pumalit sa magreretirong si PDGen. Acorda Jr.



Hindi lamang ang pagiging malapit kay Marcos Jr. ang basehan sa pagpili ng magiging PNP top guy kundi number 1 pa rin ang kung papaano nagtrabaho at kung ano ang naging mga accomplishment o achievement ng mga aspirante bilang mga alagad ng batas. Higit sa lahat, ang matatalagang bagong PNP Chief ay dapat isang “ACTION MAN” na dumidinig at kumikilala sa daing ng mga mamamayan.

Dahil NCRPO Chief na taglay ang pinaka-mapaghamong posisyon, nakatutok ang mata ng sambayanan kay Nartatez Jr. na nagagampanan naman ang kanyang trabaho mula nang siya ay italaga noong Abril 2023. Bilang Metro Manila top cop, naging matagumpay siya sa pagpapairal ng “No Take Policy” sa mga district at police chief sa Metro Manila, kaya takot ang naghari sa mga nasa likod ng illegal vices sa ka-Maynila-an.



Ngunit sa kabila ng pagpupursige ni Nartatez Jr. na linisin ang NCR laban sa mga ilegal na pasugalan, ay may ilan pa ding mga police commander na sumusuway sa kanyang utos kaya ang mga sugalan ay patuloy ang operasyon sa kanilang hurisdiskyon.

Isa sa police chief na hindi kumikilos laban sa nagkalat na STL con-jueteng, lotteng operation ay si Col. Jay Baybayan ng Malabon City dahil magpahanggang ngayon ay namamayagpag ang STL con-jueteng o bookies ng isang alyas Dong Lim at isang Gen. Abu -Sayaf, gayon din ang pa-lotteng ng dating Malabon Sakla King na si Mario Bokbok.

Dahil kinopo na nina Lim at Gen. Abu-Sayaf ang lotteng operation gamit ang kanilang prangkisa sa STL na nasa Brgy. Santolan, Malabon City na pinalala pa ng di masawa-sawatang lotteng ni Mario Bokbok na ang sentro ng operasyon ay sa Brgy. Catmon. Ang koleksyon ng legal na lotto outlet ay bumaba, kaya nangangamba ang mga lotto outlet owner na sila ay malulugi sa kanilang negosyo.

Dahil bagsak ang sales sa mga lotto outlet, baka magsara ang mga ito kung hindi kikilos sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, PNP Chief Acorda Jr., BGen. Nartatez Jr., Northern Police Director BGen. Rizalito Gapaz at City Police Chief Baybayan, ayon sa mga apektadong lotto outlet operator sa siyudad ng Malabon.

LOTTENG NI ONIE SA LAS PINAS, JOY SA PARANAQUE, KITS SA PASIG,
EGAY SA MANDALUYONG, EDMOND SA CALOOCAN AT JODY SA NAVOTAS
NGANGA naman sa Las Pinas si City Police Chief Col. Jaime Santos sa patuloy na operasyon ni Lotteng Lord Onie Ninong sa 20 barangay ng naturang lungsod kaya’t nakakaduda ang pananahimik ni Mayor Imelda Aguilar at bagong talagang Southern Police District Chief BGen. Mark Pespes.

Sa lungsod ni Paranaque Mayor Erik Olivarez at City Police Chief Col. Reycon Garduque, hindi din humihinto ang pasugal ni Lotteng Queen Joy. Sa Pasig naman ang may STL con- lotteng si Kits na lungsod ni Mayor Vico Sotto, samantalang sa Mandaluyong ay si Egay ay namamayagpag ang lotteng operation sa siyudad ni Mayor Benjamin Abalos.

Sa Caloocan ang itinuturong pasimuno sa talamak na lotteng at EZ 2 operation ay si Edmond ngunit walang ginagawa laban dito si Police Chief Col. Ruben Lacuesta. Sa siyudad ng Navotas ay si Jodi ngunit tila nagbulag-bulagan sina Mayor John Rey Tiangco at Police Chief Mario Cortez.

Hamon ng mga mamamayan kay NCRPO Chief BGen. “Tateng” Nartatez Jr. ay tanggalin niya ang mga police chief sa mga nabanggit na lungsod kung di nila kayang supilin ang naturang mga ilegalista sa kanilang area of responsibility (AOR). Abangan ang aksyon ni Gen. “Tateng” Nartatez Jr.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144