Advertisers

Advertisers

MAGANDANG HANGARIN NI KISHIDA

0 13

Advertisers

SA kauna-unahang pagkakataon, isang Japanese Prime Minister na gaya ni Kishida Fumio ang nakapag-bigay ng talumpati sa harap ng ating mga mambabatas sa Kongreso.

Dito, ibinahagi ni Kishida ang kanilang balakin sa mahabang panahon ng pagkakaibigan ng bansang Hapon at Pilipinas. Kasama na rito ang kanilang hangaring mapabuti ang kanilang pakikitungo sa international community, lalo na’t sa kanyang pananaw ay may namumuo raw na peligro sa pagsunod sa ‘rule of law.’

Ano ang ibig sabihin ni Kishida rito? Pinag-diinan ng Japan Prime Minister sa special joint session na iyon ng Kongreso, na Ang bansang Hapon ay nakahandang umalalay at bilang kaibigan ng Pilipinas, palalakasin nito ang pakikitungo sa bansa ayon sa rule of law.



Kasama raw dito ang ti atawag nilang Free and Open Indo-Pacific (FOIP). Nakaumang daw ito sa kooperasyon, at walang hangaring balawalain ang pagkakaibigan ng mga bansa, lalo na ang magkaroon ng konprontasyon. Bantayan at ipaglaban ang ‘kalayaan’ nang naaayon sa rule of law.

Ang rehiyon nga raw ng ASEAN ang kailangang magbuklod-buklod upang lalong lumakas ang kooperasyon ng mga bansa kahit na yaong mga malalayo at malalaking bansa.



Tila pasaring na ito ng bansang Hapon, dahil ipinag-diinan din ni Kishida na mayroong “trilateral cooperation” ang Japan, Pilipinas at America.

Pahaging ito sa umiinit na usaping hinggil sa South China Sea at West Philippine Sea na pinagpipilitan ng bansang China ang pag-aari nila sa mga bahagi ng karagatan na talaga namang atin.



Kaya nga raw kasama ang Japan Self-Defense Forces sa isinagawang joint US- Philippines exercises, maging ang first joint exercise ng coast guard ng tatlong bansa noong June lamang, ang patungo ni Kishida.

Ano ang tinutumbok niya? Walang iba kung di, ipakita sa lahat na, dapat mayroong ‘maritime order’ na tinatawag na sumasailalim sa mga batas at mga tamang panuntunan. Hindi nang “sapilitang pang-aagaw.”

Binitiwang ni Kishida ang mga salitang ito dahil naniniwala ang kanyang bansa na Ang mga bahagi ng karagatang sinasakop na ng Tsina ay sa Pilipinas na siyang ipinanalo pa natin sa isinampang international arbitration case. At ang Japan ay gaya din natin, mayroon silang usaping ng China sa Senkaku Islands.

Kung ganito nang ganito ang ipinakikita ng kaibigang bansa natin, bakit pa nga tayo makikitungo sa mapag-samantalang kaibigang bansa na gaya ng bansa ng mga Tsengwa?