Advertisers
MULING nagpaalala sa publiko ang ilang lokal na pamahalaan laban sa panganib na dulot ng paggamit ng paputok at fireworks sa kanilang nasasakupan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino na 12 years ago pa nila sinimulang ipatupad sa lungsod ang fireworks at firecracker ban.
Sinabi naman Tolentino na nitong Miyerkules lamang, Disyembre 27, ay ibinasura niya ang hirit ng tatlong hotel sa Tagaytay para makapagdaos ng fireworks display.
Kasabay ng paghingi ng paumanhin sa grupo, sinabi ni Tolentino na pinaalalahanan niya na rin ang tourism council hinggil sa implementasyon ng nasabing ordinansa.
Ang Tagaytay ay isa lamang sa mahigit isang libong local government units o LGUs sa buong bansa na nagpapatupad ng ordinansa laban sa paputok.
Matatandaang nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na lagyan ng pangil ang mga ordinansang ito laban sa mapanganib na paputok. (Gilbert Perdez)