Advertisers

Advertisers

PAGBABA NG INFLATION RATE NOONG DEC.2023, IKINALUGOD NI PBBM

0 3

Advertisers

IKINALUGOD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbaba ng inflation rate sa bansa noong December 2023 sa 3.9% mula sa 4.1% para sa November na siyang pinakamababa noong nakaraang taon.

Ayon kay PBBM, patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para pagandahin ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Maliban dito, nangako rin si Pangulong Marcos na lalo pang palalakasin ang mga programa para sa agrikultura.



Aniya, tututukan din ng kanyang administrasyon ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin. (Gilbert Perdez)