Advertisers
Kulong ang isang wanted sa kasong statutory rape nang madakip ng Valenzuela PNP sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, Sabado ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naaresto na si alyas “Bryan”, 24 ng Brgy. Parada ng lungsod.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ng joint intensified manhunt operation kontra wanted persons ang pinagsanib puwersa na mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista at Northern NCR Maritime Police Station.
Nadakip ang akusado, 6:30 ng gabi sa kahabaan ng Alicia Street, Fortune 4, Barangay Parada sa bisa warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Family Court, Branch 16 Presiding Judge Mateo B Altarejos nitong January 12, 2024, para sa kasong Statutory Rape .
Pansamantalang nakadetine sa custodial facility unit Valenzuela police ang akusado habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail.(Beth Samson)