Advertisers

Advertisers

MAPAPA-PI KA TALAGA BAYAN SA LINTIK NA ‘PI’ NA YAN NI TAMBALOSLOS! (Part 1)

0 104

Advertisers

WALANG masama sa People’s Initiative (PI) kasi, ayon sa Konstitusyon, isa ito sa legal na paraan upang mabago ang Saligang Batas.

Pero iba, walanghiyaan na kung ang pagpapapirma sa taumbayan para maisulong ang PI na kapalit ay suhol na itinago sa pakunswelong ayuda, mali na ‘yan, panggugulang na yan, Tambaloslos.

Kalat sa social media ang reklamo na namimigay ng bigas, at P100 sa mga lugar ng iskwater at mga barangay, pero sa kondisyong pipirma ng “Yes” sa planong people’s initiative (PI) petition for Charter Change (Cha-Cha).



Ang nakaiinis, ginagamit ng tropa ni Tambaloslos ang kirot ng sikmura ng walang-wala para sa signature campaign sa Cha-Cha para kuno, baguhin ang economic provision ng 1987 Constitution.

Malay natin kung iyon nga lang ang babaguhin, kung magtagumpay ang nais ni Tambaloslos, e sabi ng mga butiki natin sa Kongreso, sa gagawing Cha-Cha, gagawing parliamentary system na ang Pinas.



At plano, after ng term ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., parliamentary na tayo at burado na ang pagboto sa presidente at bise presidente.

Malinaw ang target, ito ang tsansa na hindi makatakbong presidente si VP Sara, at bakit ito ang nais ni Tambaloslos.



Kasi, lagpak ang kredibilidad ni Tambaloslos, walang pag-asa na matibag niya si Inday Sara kung magbanggaan sila sa May 2028 presidential race.

Kaya ang solusyon, PI na nagsusulong ng Cha-Cha na ang magbabago ng Konstitusyon ay mga katropa ni Tambaloslos.
***
Sa ulat ni Jonathan Andal sa GMA News “24 Oras” ay ikinalat ang isang video na nai-share ng Quezon City Urban Poor Coordinating Council (QCPCC) ay nakita ang isang babae na kuno, may pinapipirma sa mga residente ng Old Capitol na PI petition kapalit ng ayuda at bigas noong Enero 6.

May pangako na pag pumirma sa petition, bibigyan ng payout na P2000 ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation), ay ang daming pumirma, aba, sayang din ang datung, di ba?

Sa maraming probinsiya, uso ang pagpapirma, kapalit ng bigas, P100 o higit pang halaga at ang pangakong pagbalik, may ayuda pang grocery.

At nakita na nyo, may ads pa sa na umaakit sa mga tao na isulong ang Cha-Cha na gusto ni Tambaloslos.

Garapalang galaw ito, kasi hindi ipinapaliwanag sa tao kung ano ang babaguhin sa Constitution, basta pirma muna sa petition, kasunod ang suhol na ayudang pera, bigas at iba pa.

E, sino ang tatanggi sa ayuda na may pera pa, di ba?

Siyempre, ayuda dear readers, walang pera si Nanay, walang pambili ng bigas, agad na pipirma.

Ano bang hihintayin pa ang paliwanag, basta pirma na lang at isulat ang pangalan na payag sa Cha-Cha, at ang pangalan ng tao at ang precinct number.

Ganyan ang kilos ni Tambaloslos ngayon, at epektib sa tao na kahit daw ilang ulit e pipirma basta may ayuda, pera at bigas.

Lintik na PI yan, e hindi naman pera ni Tambaloslos ang ipinansusuhol, pera, salapi ng taxpayers, pera rin ng taumbayan iyon.

Mapapa-PI ka talaga sa PI na yan ni Tambaloslos!

Pero sabi ng nagpapapirma walang bawian sa mga pumirma.

Kasi pag binawi ang pirma, wala nang matatanggap na ayuda, burado na sa 4Ps, burado na rin sa iba pang ayuda.

Sabi ni Bicol 1st District Rep. Edcel Lagman, P100 ang bayad sa bawat pirma at sa Davao City, nagwarning na si Cong. Paolo ‘Pulong’ Zimmerman Duterte na wag magpaloko sa mga pakulo ni Tambaloslos.

Sabi niya sa kapwa Dabawenyos ay wag ibenta ang kaluluwa nila sa halagang P100 o kahit pa P10,000.

Nais ni Sen.Imee Marcos na imbestigahan ang pakulong PI ng Kongreso na tinawag niya na ito ay isang malaking kawalanghiyaan.

Sabi ni Ate Imee: “Anong kawalanghiyaan ito? Maliwanag na nag-aalok sila ng DSWD ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation), may TUPAD (Tulong Panghanap-Buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) pa at may MAIP (Medical Assistance to Indigent Patients) na DOH.”

Teka, Madam Imee, ang Tambaloslos po ay walang kahihiyan.

Utak budol ang mayroon sa Tambaloslos. (May karugtong)
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.