Advertisers
Mahigit P100k halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na sina alyas “Edong”, 30 ng Brgy. 86 at alyas “Badjong”, 21 ng Brgy. 120, kapwa ng lungsod.
Ayon kay Col. Lacuesta, 2:18 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ang mga suspek sa buy bust operation sa 2nd Avenue BMBA Compound, Barangay 120.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 16.06 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P109,208.00 at buy bust money
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)