Advertisers
BILIB kami sa tapang ng hiya ni Bato dela Rosa. Siya pa ang may lakas ng loob na humamon sa pangulo na “magpakalalaki” at ipaliwanag kung dumating o hindi sa bansa ang mga tagasiyasat ng International Criminal Court (ICC). Kaugnay ang ipinangalandakan ni Bato sa utos ng ICC na ituloy ang kanilang naantalang formal investigation kay Gongdi at mga kasabwat sa madugo pero bigong digmaan kontra droga. Sumulong ang sakdal na crimes against humanity laban sa kanila.
Hindi maalis na kabahan si Bato. Hindi siya isang ordinaryong opisyal ng pulis na nasabit lang sa madugong digmaan kontra droga. Siya ang may-akda ng Memorandum Circular 1 tungkol sa Project Double Barrel. May lagda niya ang MC 1 na gumamit sa PNP bilang institusyon na nagpatupad ng digmaan kontra droga ni Gongdi.
Hindi maipagkakaila ni Bato ang kanyang lagda sa MC 1. Siya ang gumawa nito at siya rin ang nagpatupad. May dalawang bahagi ang Project Double Barrel: una, Oplan Tokhang kung saan tinutukan ang mga pobre; at ikalawa, Oplan High Value Target na ang pangunahing tinutukan ay ang nakakariwasa sa buhay. Sila ang mga pinaghinalaan na sangkot sa paggamit at pangangalakal ng bawal na droga.
Hindi malaman ni Bato kung paano niya itatatwa na kabilang siya sa mga taong pinagtiwalaan ni Gongdi na ipatupad ang giyera kontra droga. Hindi siya puede bumaligtad at maging “state witness” dahil siya ang direktang nagpatupad ng giyera kontra droga. Nanganganib ang kanyang reelection sa Senado. Kapag bumaba ang arrest warrant laban sa kanya at nilitis siya kaugnay sa sakdal, tuluyan ng malulusaw ang kanyang pangarap na bumalik sa Senado.
Mabigat ang akusasyon kay Bato. Hind niya maitatanggi ang bintang sa kanya bilang arkitekto ng madugong digmaan kontra droga. Malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang lagda na gumamit sa PNP bilang kasangkapan ng panunupil at karahasan. Pinakamaganda kay Bato na aminin ang kanyang kabuktutan. Isama na niya si Gongdi at hayaan niyang tuluyan siyang makulong. Maaaring abutin ng isang dekada ng pagkakakulong ang parusa niya.
Hindi uubra ang katwiran niya na haharap siya tanging sa hukumang Pinoy lang sa paglilitis ng hukom na Pinoy. Kamangmangan ang kanyang sinasambit. Kailangan maintindihan niya na kaya pumasok ang ICC sa Filipinas ay dahil bumagsak ang sistema ng katarungan sa bansa. Hindi dapat pagtiwalaan ang hustisya sa Filipinas. Teka nga pala, inamin ni Bato na takot siya makulong. Pero ang lakas ng loob na pumatay na mga walang kalaban-laban.
***
HINDI na sana lalaki ang isyu kung hindi suwapang si Polong Duterte. Ang problema ay labis siyang gahaman sa pera. Nang inaalis ang bilyon bilyong salapi sa kanyang distrito at ang itinira ay abot lamang sa P500 milyon, nagreklamo si Polong. Bakit nga raw naging P500-M lamang ang budget ng kanyang distrito sa Davao City.
Simpleng sagot ang ibinigay sa sa kanya. Sinabihan siya na P51 bilyon (inuulit namin: P51-B) ang natanggap ng kanyang distrito sa huling tatlong taon ng panunungkulan ng kanyang ama. Nang biglang bumaba ito sa P500-M, hindi natuwa si Polong. Hindi namin alam kung anong uri ng nilalang si Polong. Labis na sakim sa pera ng sambayanan. Hindi natuwa sa bilyon-bilyong piso na pera ng bayan sa kanyang distrito.
Samantala ito ang ulat ng ABS-CBN: “Based on records from our programming division, we confirm that the amounts you mentioned in 2020, 2021, 2022, are all based on the DPWH’s NEP, as well as the GAA. We confirm those budgets for this district.” – DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
Kumpirmado ang malaking budget ng distrito ni Polong. Ngayon, ipaliwanag niya kung paano ginastos ang napakalaking halaga. Hindi puede ang taray sa pagpapaliwanag.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “BBM was perfectly correct to say that his government won’t help the ICC in its task of final investigation of Gongdi and his co-conspirators in their bloody but failed war on drugs. But to the eternal misfortune of Gongdi and guys like Bato, when BBM made the statement, the ICC has completed its formal investigation of the guys behind the ill-fated war on drugs. Hence, there was nothing else for BBM’s government to do. Without Gongdi and Bato’s knowledge or approval (who were they but criminals?), the ICC proceeded with its formal investigation. The ICC was not required to tell them of their formal probe. The probers proceeded with unusual silence. There was no need to make any big splash in doing their job. The ICC investigating team collated pieces of evidence like affidavits from the families of victims of EJKS and other details. They left the country as quietly as they entered in the third quarter of 2023. The Office of the Prosecutor, headed by Chief Prosecutor Karim Khan, will likely recommend a trial for Gongdi and his co-conspirators. The next step is for the ICC to issue arrest warrants against Gongdi. By the second quarter of 2024, the ICC will likely come out with those arrest warrants.. They will be arrested between April and June of this year.” – PL, netizen,
“Sige imbestigahan nyo ko pero korte ng Filipino ang gagamitin ko hindi ang ICC, yan ang tugon ni Sara. Bruha ka! sa korteng Filipino lahat kayo inaabswelto, kahit ang daming ebidensya nagnakaw kayo, pumatay kayo, sa korteng Filipino inosente ang mga tulad ninyo.” – Betty O’hara, netizen, kritiko
“For turning into a platform for divisiveness, for hatred, for venom, for toxicity, for fake news, for shitty politicians, for false prophets…for trolls, bots, fake pollsters, for people turned batty…and what have you -the Internet, especially social media, has turned into Splinternet.” – Terra Daffon, netizen
***
IBANG klase si Apollo Quiboloy (kinikilabutan kami na tawagin siyang pastor). Bukod sa mga kabataang babae na kanyang ginagahasa, mayroon pala siyang “spiritual wives.” Hindi namin naiintindihan kung ano ang konteksto ng spiritual wives. Naitindihan namin ang pahayag ni Risa Hontiveros sa programa ni Lakay Deo Macalma ng dzRH.
“Eh dahil walang dating spiritual wife na nakapagtestigo as of yesterday, iniintay pa natin marinig mula sa sarili nilang mga labi kung merong lalapit din dahil halos linggo linggo dumadami ang mga lumalapit at nagrereklamo sa opisina ko, pero batay po sa paglalarawan nung mga testigo namin so far, sila yung pinaka-innermost of the inner circle, at talagang ayan inaasawa di umano ni Pastor. Pag ganyan ang pangalan at status, siguradong may kasamang sekswal na relasyon.
“Di pa natin narinig sa kanila kung yan ay bukal ba sa kanilang kalooban o sapilitan ba o nagsimula sa panggagahasa, basta’t ang malinaw mula kina layas Sofia at Alyas Nina kahapon at si Alyas Amanda nung humarap in person ay may ganong pangagahasa sa kanila, sekswal na pang-aabuso sa kanila.”
* **
NOONG ika-10 ng Hunyo, 20121, ito ang pahayag ni Sara tungkol sa sakdal na crimes against humanity laban sa kanya: “Let them investigate, I will not stop them … That’s the only way we can sure the problem about the misconceptions that happen during my father’s time.”
Pero noong, ika-23 ng Enero, 2024, iba na tono ng salita ni Inday Sara: “I will only face any charge against me before a Filipino judge – and only before a Filipino judge.” Basag rin ang pula ni Inday.
***
Email:bootsfra@yahoo.com