Advertisers

Advertisers

Kathryn at Jericho kapwa loveless, nili-link na sa isa’t isa

0 49

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAMATAAN sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales na magkasamang nagna-night-jogging sa Marikina Sports Complex.

Nag-eenjoy sa pagtakbo ang dalawang celebrity na kapwa loveless dahil parehong hiwalay na sa kanilang mahal sa buhay.
Isang fan ang nakasabayan nilang tumatakbo.
Nakilala niya ang aktor at aktres.
Kinuha ng fan ang opportunity na makapagpakuha ng picture sa dalawang celebrity at saka shinare sa Facebook.



Agad namang nag viral ang kanilang photo.
Aniya, hindi lang daw sina Echo at Kath ang magkasama, ka-join din daw nila ang nephew ni Echo na si John Manalo na isang actor din.
Ang caption ng fan, “Post ko na din sa wall ko para may remembrance.”

Dagdag pa niya, “Kasabay lang namin mag jogging sila Kathryn Bernardo and Jericho Rosales.”
“Wag nang mag showbiz question kasi di ko din alam ang sagot “
“EDIT: May iba silang kasama. Si John Manalo pala!! Sorry na,” wika pa nito.
Komento ng netizens: “Sana they’re just building some rapport bec my project sila.
Parang weird kung may something”



“Baka may project collab sila. Spotted din sila sa isang bar the other day.”
“Angelo ng Pangako Sayo version 1 and Yna ng Pangako Sayo version 2. So sila gaganap sa Pangako Sayo version 3. Charot!!”
Nabigyang kulay naman ang isang comment sa pagkumpirmang hiwalay na si Echo sa misis na si Kim Jones.

“Kaya ba inannounce separation nila ng wifey? Pra di mgka issue if spotted sila.”
“Please make a good script for these two yung tipong Angel/JL Immortal.”
“Echo always praised Kathryn in every single interviews. He even said Daniel such a lucky guy to get Kathryn as his gf. Maybe this time they will have project together”
“Ay diba sinabi ni Echo na crush niya si Kathryn, so okay lang since hindi naman na minor si Kath pero 17yrs age gap nila ni Echo.”



“Kaya pala may announcement na ng separation. At kaya din pala vocal si Echo sabihin na gusto nya makatrabaho si Kathryn.”
“Biglang naging close lol”
“Ano ba yan? 1st night – meeting with Echo, Maja and friends, 2nd night – Bar with Chie, John M, Echo, 3rd night – jogging with Echo and John M. What’s cooking?!?”

***
FRANCINE SASABAK NA SA MATURE ROLES NGAYONG 20 NA
TWENTY years old na si Francine Diaz kaya goodbye na raw siya sa kanyang teenage years.
May post ang young actress ng
series of monochrome photos kung saan napakasopistikada niya.

Papunta na sa adulthood si Francine, pero wala pa naman daw siyang plan to do any drastic changes.
“Siyempre nasanay na ‘yung lahat with my image that’s very ‘good girl’,” sey ng dalaga.
Pero handa naman daw siyang i-expand ang kanyang career.
“I want to explore my craft,” sey niya.

“It doesn’t mean that I’m going to do scenes that would be, alam niyo na, tagged SPG (strictly parental guidance),” esplika ng young actress.
Dagdag pa niya, “I am reinventing myself in that I am fearless and ready for anything.”

Katatapos lang ng kaarawan ni Francine at ang birthday gift niya sa sarili ay ang first ever song (“My Love”) niya with Korean superstar Seo In-Guk.
“Ito po talaga ‘yung gift ko sa sarili ko ngayong birthday ko,” aniya.
Ang “My Love” ay ilo-launch sa Spotify this February.