Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta ay humiling ito ng dasal sa kanyang fans.
Tagal na nga raw ng kanyang ubo na di mawala wala. Dagdag pa ang pagkirot ng torn ligament ni Shawie.
Nagplaplano ito na magpagamot na para sa iniinda nitong karamdaman.
Ibinahagi rin ni Sharon na mayroon din siyang scoliosis kaya ganun na lang ang kanyang pag aalala.
Marami namang netizens ang napa- comment sa agarang paggaling ni Shawie.
***
SA pagbabahagi ni Sarah Lahbati sa kanyang IG nagpasalamat ito nang bonggang bongga sa Itaas or ating Panginoong Jesus.
Sa post nga ni Sarah, sinabi nito na nasasangkot silang pamilya sa aksidente.
Tinukoy din ng aktres na sa Skyway naganap ang aksidente.
Grabeng pasasalamat naman ni Sarah sa kabila ng pag araro ng mga kotse kasama ang kanila.
Thankful ito na walang casualties sa nasabing aksidente.
Pagbabahagi pa ng aktres na ito na nga raw ang worst na taon sa kanya.
Pero nadama nito na pinaalalahanan at nadama nito na hinipo sila ng ating Panginoon.
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Sarah na ligtas silang pamilya sa kabila ng kinasangkutang aksidenre.