Advertisers

Advertisers

DILG Bulacan Memorandum Circular vs illegal gambling, Epektibo nga ba?

0 68

Advertisers

DAPAT kumilos si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at paimbestigahan niya ang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 as amended by RA 9287.

Ayon sa sumbong mismong mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala at bumababoy dito sa memo na ito.

Mahirap umanong sikmurahin na maging ang ibinabang Memorandum Circular 2023-074 ni DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia ay binalewala rin ng mga organisadong sindikato ng sugal na minamantini ng mga halal ng bayan at aktibong pulis.



Sa kabila ng reklamo ay patuloy umanong namamayagpag ang presensya ng sugal gaya ng Jueteng, Sakla, at peryang may sugal tulad ng drop ball, baraha at color games na pinagkakaguluhan gabi-gabi ng mga adik sa sugal na matatagpuan sa may Mc Arthur Highway, Barangay Cutcot Pulilan na pag-aari ng isang Freddie Tainga at Poblacion ng Bustos, na pag-aari naman ng magkasosyong Evelyn at Konsehal Cruz na diumanoy kumpareng putik ni Mayor Franciz Albert Juan.

Ang nakapagtataka lang parang walang nakikita dito ang mga ginagalang na sina Bulacan PNP Provincial Director PCol Relly Arnedo, Pulilan Chief of Police PLtCol Jerome Jay S. Ragonton at Bustos Chief of Police PMajor Leopoldo L. Estorque.



Nakapagtataka din ang pagsasawalang kibo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) RFU 3 Acting Regional Chief PLtCol Sancho DJ Mercado para sugpuin ito.

Mistulang PR o Press Release lang siguro ng DILG Bulacan ang Memorandum Circular No. 2023-074 dahil buong Bulacan talamak ang sugal.



Hindi rin napanindigan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., kanyang banta at paglilinis sa kanyang hanay batay sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” at ang ibinaba nitong “One Strike” Policy dahil sa talamak parin ang sugal sa nasabing lalawigan Bulacan.

Wala ring aksyon na ginawa dito si PRO3 Regional Director PBGen Jose Hidalgo Jr., laban sa lantarang operasyon ng mga puwesto pijong sugalan kundi magpalamig sa kanyang aircondition na opisina at mag-antay ng parating.

Mga pwe!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.