Advertisers

Advertisers

Kick off ng serye ng aktibidades sa 430th anniversary ng Manila Chinatown, pinangunahan ni Mayor Honey

0 54

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang kick off ng serye ng aktibidades bilang tanda ng 430th anniversary ng Manila Chinatown, na sinasabing pinakamalaki at pinakamatanda ‘di lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng malaking ‘Money Tree’ o ‘Prosperity Tree’ sa gitna mismo ng Plaza San Lorenzo Ruiz sa harapan ng Binondo Church.

Kasana ng alkalde sina City Administrator Bernie Ang, Congressman Joel Chua (3rd district), Manila Chinatown Development Council Executive Director Willord Chua, Manila Chinatown Barangay Organization President Jefferson Lau, Manila third district Councilors Fa Fugoso, Tol Zarcal, Terrence Alibarbar, Maile Atienza and Atty. Jhong Isip, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila chief Charlie Dungo, City Engineer Armand Andres and City Electrician Randy Sadac, at iba pa.

Ang event ay tinampukan ng traditional eye-dotting ceremony ng makukulay na mga Leon sa pangunguna ni Lacuna, Ang at Chua, bago pa mag-lion dance. Ang nasabing seremonya ang huling stap bago magising Leon at bigyan ng kapangyarihan.



Ito ay sinundan ng pagpapailaw ng ng malaking ‘money tree’ at makukulay na fireworks display.

Sa kanyang maiksing talumpati, binanggit ni Lacuna ang papel na ginampanan ng Manila Chinatown sa nakalipas na mga taon at kung paano nito tinulungan ang Maynila para maging must-see destination sa bansa ng mga local at foreign tourists.



Pinasalamatan ng alkalde ang Chinese-Filipino community members sa kanilang di mapapantayang suporta sa programa na inilunsad ng kanyang administrasyon patungo sa ‘Magnificent Manila’ sa 2030.

Ayon kay Lacuna, ang event, na siyang kauna-unahan sa Maynila, ay hina- highlight din nito ang kasaysayan at kultural ng ‘Chinoys’ at ang kanilang ambag sa kabuuang progreso ng Maynila, gayundin ng bansa.



Si City Administrator Ang na siyang pinakapuno ng mga nakalinyang actvities para sa event, ay pormal na inanyayahan ang publiko na bisitahin ang Manila Chinatown na ayon sa kanya ay malayo na ang narating simula nang itatag ito noong 1594 at naging isang vibrant business district ngayon.

Sinabi ni Ang na ang grand celebration ng Manila Chinatown’s 430th anniversary ay gagawin sa pamamagitan ng serye ng festive activities na magtatapos sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa bahagi niChua, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng Money Tree na isang feng shui symbol na tradisyunal na ginagamit bilang lunas sa pag- stimulate ng daloy ng pera o mas umunlad pa ang kabuhayan dahil pinaniniwalaan na ito ay nakaka-attract ng positive energies na magdadala ng yaman, swerte, good health, peace, good fortune at kasaganahan. (ANDI GARCIA)