Advertisers
Kasabay ng pagdiriwang ng World Wetlands Day pinangunahan ni Senadora Cynthia Villar at ng Department of Environment and Natural Resources ( DENR) ang pagbubukas ng kauna-unahang Wetland Museum sa Las Piñas Parañaque Wet Land Park sa lungsod ng Las Pinas.
Ang bagong museum ay naglalayon na magkaroon ng kaalaman ang publiko ukol sa kahalagahan ng wetlands sa kalikasan at ang magandang dulot nito sa ating kapaligiran.
Ang nasabing Museum ay tumutugma sa pandaigdigang tema ng Wetlands and human wellbeing” tampok ang mahalagang papel ng ecosystem sa ating mga kalusugan at kapakanan.
Ayon kay Villar na nagbigay ng kanyang inspirational message, mandato ng gobyerno na pangalagaan at pahalagahan ang wetlands sa bansa , para mapangalagaan ang ecosystem.
Aniya ang LPPWLP ang tanging Wetlands na nasa siyudad na dapat mas palagahan ng mga kababayan para sa susunod na henerasyon.
Ang naturang museum ay dinonate ng Villar Foundation na isa sa kanilang adbokasiya para sa maayos na kalikasan para mapakinabangan ng mga susunod na mga kabataan. (CESAR MORALES)



