Advertisers

Advertisers

2 tulak nalambat sa Valenzuela

0 11

Advertisers

NALAMBAT ng Valenzuela PNP ang dalawang tulak ng droga sa lungsod.

Sa ulat, 8:30 ng gabi nitong Sabado nang maaresto sa Sugar St. Llenado Subd. Karuhatan, Valenzuela City, ang mga suspek na bahagi ng five focused agenda, ng PNP, “Aggressive & Honest Law Enforcement Operations, Station Drug Enforcement Unit na pinamunuan ni PCapt Ronald C Sanchez, katuwang ang PDEA gamit ang Body Worn Camera (BWC) nang ikasa ang buy bust operation.

Sa ulat kay Valenzuela Police Chief PCol. Salvador Destura Jr ., naaresto ang unang suspek na lalaki na si Alias” Boy” nang magbenta ng droga sa poseur buyer na si PCpl Arances.



Sa buy bust operation, dumating ang ikalawang suspek at nakabili din sa unang suspek at inaresto ng otoridad ang dalawa.

Nakumpiska ng otoridad ang droga na may 35 grams ng shabu na nagkakahalaga ng nasa humigit- kumulang na P238, 000.00.

Nahaharap ang 2 suspek sa paglabag sa Sections 5 and Section 11 under Article II of RA 9165 sa Valenzuela City Prosecutors Office.(Beth Samson)