Advertisers
SABI, sa demokrasyang sistema ng gobyerno, tulad ng Pilipînas, TAYO, mamamayang Filipino ang pinakamakapangyarihan daw (?), ayon sa Constitution.
Sovereignty resides in the People and all government authority emanates from them, meaning ang buong Kapangyarihan ay nasa atin, at sabi pa, “The voice of the people, is the voice of God.”
Naniniwala ba kayo, minamahal nating readers na totoo nga ito, sinusunod ba ng halal nating Public Servants ang ating Boses?
Yung lawmakers natin, sila ay ating representatives, sila ang ating utusan, sa deretsang salita, atin silang alipin daw?
Pero ano ang realidad, tayo ba ang kanilang alipin at sila ang ating mga Boss — na tinatawag nating Honorables.
Di ba, tayong madlang Pilipino ang dapat na tawaging Honorable Sir Pedro Penduko o Honorable Juana Dama de Noche?
Sila na ating Honorables, de bodyguards, de kotse, may milyon-milyong piso sa bulsa nila, pa-travel-travel, may representation, social, housing, food allowances at iba pang perks.
Pera ng taumbayan ang ginagastos nila, kaya marangya ang kanilang buhay.
Pero pag hiningian natin silang Honorables ng accounting o pagtutuos kung paano nila ginastos ang pera nating kanilang Amo at Boss — ayon sa Constitution — e ano ang kanilang ginawa?
Gumawa sila ng batas at resolution na pwede na, wala nang tanong-tanong pa, basta tama na, hindi na mabubusisi ng Commission on Audit (COA) kung saan, paano, at kailan nila ginastos ang pera natin.
By Certification lang ang kailangan, at presto, tapos na — clear na si Honorable Senator, si Honorable Congressman na maayos, hindi nila ibinulsa, hindi nila kinupit, hindi nila ibinigay kung kanino lang, at matapat na nagastos ang perang bilyones sa tama, at nararapat na paggastusan.
Kahit panay na ang ating panawagan na magkuwentahan sa pera natin, at isigaw natin na magbigay sila ng resibo sa mga ginastos nila, ano ang sasabihin nila?
Certified na, tinanggap na ng COA ang liquidation by cerification ang perang hawak nila at wala ni isang sentimo na sila ay may kinupit, di ba petmalu nila?
Yung panawagan ng bayan na #HindiMOOEPeraYan!, wala lang kay Espiker at kay Senate President, kasi protektado sila ng joint resolution no. 10 na sila ang gumawa at nag-apruba na okey na, ayos na, wala nang tuos-tuos pa, certified na nila sa COA na ang pera ng taumbayan, ginastos nila sa tama, sa maayos at nararapat na paraan.
Kung paano nila ginastos ang bilyones pesos na pera nating taxpayers, wala na tayong magagawa pa, yan ang gusto ng ating Public Servants.
***
Bintang ni Lolo Digong Duterte, adik, bangag sa “pulvoron” si Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at binalikan naman ang dating presidente na ito ay hilo na, gumon na at may tama na ang isip, kasi nasobrahan sa Fentanyl.
Pwede po ba, mga Tambaloslos, mga Bossing natin, yung bilihin, kahit na mahal ngayon, wag nang itaas pa ang presyo,
Yung koryente, tubig, gasolina, pamasahe, matrikula, gamot, bitamina at iba pang nagpapakuba sa mamamayang Pinoy, ayusin nyo, hirap na hirap na po ang taumbayan, kami na inyong mga Boss kuno.
E ang inaasikaso nyo, batikusan, away, bintang na si Ganito, si Ganoon e kurap, mandarambong, pero matapos ang hearing, ayos na, nag-cash-sunduan na, may free publicity pa.
Para makalimutan natin ang hapdi ng sikmura at patahimikin ang iyak ni baby na walang mainom na gatas sa panat na suso ni Nanay at tubig na may asukal na lang ang ipinadedede, inaaliw tayo sa kantahan, sigawan, beauty contest, at pinatatahimik tayo sa ayuda, talumpati, pangakong murang pabahay, pangakong trabaho, pangakong giginhawa na sa Bagong Bayan at katulad na islogan.
Yung People’s Initiatiba na PI ngayon, pinatitigil na ni PBBM, pero sige pa rin ang pinsan niyang Espiker at ang report, sige pa rin sa pagpapapirma kapalit ng pera na hindi raw suhol, incentive daw, pampasigla, pampatalino.
Kaya kahit bobo, basta naabutan ng incentive, nagiging instant matalino.
Teka, bakit ang matatalino nating bar topnotchers, Integrated Bar of the Philippines (IBP) officials at mga makabayang abogado, hindi kinukuwestiyon sa Supreme Court ang constitutionality ng joint and concurrent resolution ng Congress at Senado na nag-e-exempt sa kanila sa pagbusisi ng COA.
E hindi naman batas iyon, resolution lang nila na nagsasabi na OK na ang liquidation by certification sa perang hawak nila at sabihin na ang lahat ay ginastos sa MOOE (maintenance and other operating expenses) ng kanilang opisina kaugnay ng kanilang trabaho as lawmakers.
Kung resolution lang ito, walang force o patibay na tulad ng isang batas na pirmado ng Pangulo.
Kumbaga sa isang kasulatan, sila-sila lang ang maysabi na hindi bawal na gastusin ang kahit ano nilang gusto basta i-certify lang na ginamit sa MOOE ang bilyones na pera na ibinadyet nila sa kanilang opisina at sa kanilang sarili.
Asan kayo, makabayang abogado de campanilla, Justice Antonio Carpio, dating SC chief Ma. Lourdes Sereno, Atty. Chel Diokno, ang mga abogado ng FLAG at MABINI lawyers, bakit kayo ay very very silent?
Baka nakikinabang kayo sa liquidation by certification, just asking.
Naku, baka ang PI ay mapalitan ng PP, a.k.a People’s Power.
Maulit kaya ang history ni Ferdinand Edralin Marcos Sr. kay Ferdinand Romualdez Marcos Jr., ayaw ko huh?
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.