Advertisers
SA tatlong sister companies under SAN MIGUEL CORPORATION (SMC), SAN MIGUEL BEERMEN, BARANGAY GINEBRA at PUREFOODS MAGNOLIA, ang koponang magmamanok ang sinisilip na dapat magbalasa ng players thru trade.
Sa pagtatapos ng Commissioner’s Cup na nagtatak ng 29th championship para sa BEERMEN, inaabangan ang teams na huhugot at magpapalit ng players para magpalakas. MAGNOLIA HOTSHOTS ang tinatakan ng bullying colloquial term na ‘Introvoyz’ dahil sa umpisa lang daw pasiklab at kapos sa huli.
Obvious nga ba na mula nang itrade si JAMES ‘Big Game’ YAP, hindi na umaalagwa sa kampeonato ang PUREFOODS? Apektado nga ba ng JAMES YAP TRADE ang team? Mahirap kasing pantayan ang tatak ni YAP na 2-Time Most Valuable Player na napakaraming galaw sa hardcourt kaya binigyan ng trademark na ‘BIG GAME’, man with a million moves.. Hindi basta makakuha ng katumbas ni YAP na isinama sa good looks ang mga katangian topped by sharpness sa 3 point shooting. Obvious ang flock ng PUREFOODS fans with YAP na nai-trade sa RAIN OR SHINE, una niyang team sa ligang amatyur PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE (PBL), dating WELCOAT PAINT MASTERS ni Big Boss RAYMOND YU, now traded to CONVERGE.
Kung tutuusin, malaking factor din na lalong tumibay ang PUREFOODS sa era ng binansagang ‘BIG 3 PSY’ nina MARK PINGRIS, JUNE PETER SIMON at JAMES YAP. Sumipa ang galing ng tandem tulad ng naunang ‘BIG 3’ nina ALVIN PATRIMONIO, JERRY CODINERA at JOJO LASTIMOSA. Pumasok man sa Finals, uhaw na sa kampeonato ang PUREFOODS sa MAGNOLIA banner.
Lutang man ang husay ni CALVIN ‘The Beast’ ABUEVA at ibang assets ng MAGNOLIA, hindi kayang isalba ang goal kung di solid ang lakas ng team. Mukhang kapos sa lakas ng loob, confidence at determination ang majority sa players kahit magagaling at tiyak na hindi aprubado yun kina Big Boss RAMON S. ANG at Sports Director AL FRANCIS CHUA.
Sa kontrobersya ng pagpatol ni ABUEVA sa asawa ni TAUTUAA at antics tampok ang paglibak sa sight disability ni SMB Coach JORGE GALENT, muntik na ulit masuspinde si Cabalen CALVIN, kaya dahil din sa attitude, may higing na i-trade ito at pasok naman si big man ARVIN TOLENTINO. Posibleng palitan din si Coach CHITO VICTOLERO for JOHNNY ABARRIENTOS. Mas exciting! Abangan po natin!
NATIONAL ARTIST LAZARO FRANCISCO SA 126th NATAL DAY
IPINAGDIRIWANG ang ika-126 kaarawan ni LAZARO ANGELES FRANCISCO, 2009 National Artist for Literature. Isinilang sa Orani, Bataan, Pebrero 22, 1898, lumaki at kinilala sa panulat sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at ginawaran ng parangal ng iba’t ibang awarding groups kabilang ang Malakanyang dahil sa mga nobelang makabayan, sumikat sa Liwayway, isinalibro at inilalathala ng ATENEO Publishing. Year 1987, CABANATUAN WEST CENTRAL SCHOOL was renamed LAZARO FRANCISCO INTEGRATED SCHOOL in his honor. Salute to our idol, LOLO SARO, proud to bear the FRANCISCO genes. Thank you Lord.
FEBRUARY CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to JEFF G. VENANCIO, our Sports Editor, to ANGELINE F. RAQUEPO of Arellano University, Plaridel Campus and ANGELA BAUTISTA of Mandaluyong City. Best blessings be with you. HAPPY READING!