Advertisers

Advertisers

TRADITIONAL JEEPNEY, ‘DI IPE-PHASEOUT — MARCOS

0 9

Advertisers

MULING nilinaw ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi ipe-phase out ng pamahalaan ang mga luma o tradisyunal na jeepney.

Ginawa ni PBBM ang pahayag sa kanyang pinakahuling vlog bilang tugon sa mga liham na natanggap ng tanggapan ng presidente sa Bahay Ugnayan.

Paliwanag ng pangulo, hindi pinapalitan ng gobyerno ang traditional jeepney kundi ginagawa lamang itong moderno.



Sinabi ng presidente na sa pamamagitan ng modernisasyon, mas malaki ang kikitain ng mga tsuper dahil mas mababa ang ‘cost per kilometer’ ng mga makabago o e-jeepneys.

Maliban dito, mababawasan aniya ang polusyon sa hangin bilang ambag na rin ng pamahalaan sa mga hakbang laban sa climate change.



‘Higit pa sa pagbabago at pagmoderno ng mga pampublikong sasakyan, sinabi pa ni Pangulong Marcos na kailangan na ring iwanan ng ‘Bagong Pilipino’ ang mga lumang pag-uugali sa kalye na dapat aniya’y moderno na rin. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">