Advertisers

Advertisers

RAPE!

0 26

Advertisers

Ang baboy mo, ‘tay! Anak, ginahasa at nabuntis ng ama

ARESTADO ang isang ama nang makailang ulit na abusuhin at mabuntis ang anak sa Alfonso, Cavite.

Naaresto ng intel operatives ng PRO-4A ang “manyakis” na ama habang papalabas ng convenience store.



Sinabi ng Calabarzon Police na nag-post online ang anak ng suspek ng larawan ng baril at granada noong 2022.

Ito umano ang ginagamit bilang panakot ng ama sa anak sa makailang ulit na pang-aabuso sa bata.



Ayon sa PNP Calabarzon, isinalaysay ng biktima na apat na beses nangyari ang pang-aabuso ng sarili niyang ama.

“Nabigla tayo sa revelation na ito palang biktima, nabuntis siya dahil doon sa pangre-rape ng tatay niya.



Pinalaglag niya ito dahil sa utos din ng magulang,” sabi ni Lieutenant Colonel Vic Cabatingan ng PNP Calabarzon.

@@@

Inaanak, ni-rape ni ninong

TIMBOG ang isang “ninong” nang halayin ang menor de edad na inaanak na kalaro ng anak sa Maynila.
Sa ulat, dinakip ng mga operatiba ng Women and Children Concern Section ng Manila Police ang suspek sa Cavite.

“Ang biktima nito ‘yung kalaro ng kaniyang anak na babae. Ayon sa pag-iimbestiga ng ating Women’s Desk na kaniya pang inaanak. Kaya nagpursigi ‘yung ating Women’s Section na hulihin ito,” sabi ni Brigadier General Arnold Thomas Ibay, director ng Manila Police District.

Dinakip ang lalaki sa reklamong ‘statutory rape’, bagay na kaniya namang itinanggi.

“Opo hinipuan ko po siya, ‘yun lang po ang ginawa ko. Hindi po totoo ‘yung rape po eh,” saad ng suspek.

Sinabi ng MPD na natuklasan nilang may arrest warrant din ang suspek sa kasong ‘acts of lasciviousness’ sa iba pang insidente.

Nakabilanggo ang lalaki sa MPD jail.