MIAA, umapela sa mga establishment sa NAIA na panatilihin ang kalinisan
Advertisers
Umapela ang pamunuan ng Manila International Airport Authority MIAA sa mga establisimyento sa Ninoy Aquino international airport (NAIA) na nagtitinda ng mga pagkain na panatilihin ang kalinisan sa kanilang Lugar.
Ang panawagan ni GM Eric Ines ay matapos ang kontrobersiyal na isyu ng mga pasaherong kinagat ng surot sa NAIA.
Sinabi ni Ines na may mga lapses sa bahagi ng housekeeping at pest control units upang malinis at mapanatili nang maayos ang apat na terminal facility.
Inatasan na ni Ines ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon at repasuhin ang mga kontrata ng mga pribadong kontratista na sangkot sa house maintenance at pest control kungdi ay maba-ban sila.
Humingi naman ng paumanhin si GM Ines sa publiko at tiniyak nito na agad nilang inaksyunan ang problemang ito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)