Advertisers

Advertisers

High alert status, ipinag-utos ni Mayor Isko kasunod ng 7.0 lindol sa GenSan

0 21

Advertisers

Inalerto na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang silang tanggapan at frontline agencies kasunod ng naitalang magnitude 7.0 na lindol sa General Santos City.



Partikular na ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang high alert status sa isinagawang directional meeting sa Office of the Building Official, Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, Manila Department of Social Welfare, Department of Engineering and Public Works, Manila Police District, at Schools Division Office–Manila.

Inatasan din ng alkalde ang nabanggit na mga department na magsagawa ng inspeksyon at paghahanda sa mga pampublikong gusali, paaralan, at iba pang kritikal na pasilidad sa lungsod.



Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang kahandaan ng pamahalaang lungsod sakaling makaranas ng aftershocks o anumang pagyanig sa Maynila.

Patuloy namang pinapaalalahanan ang mga Manileño na manatiling alerto, kalmado, at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad. (Jocelyn Domenden)