Advertisers
NADAKIP ang isang retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at itinuturing na wanted person ng Abad Santos Police Station (PS-7) sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang akusado na si PO3 Vergel Navarro, 53 anyos, may kinakaharap na kasong paglabag sa Kidnapping for Ransom.
Sa ulat, naaresto si Navarro 5:00 ng hapon ng Linggo sa Pavia Street, Barangay 56, Tondo.
Nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng IMEG-NCRFU Team ng Quezon City, Team Eastern, at team Manila kasama ang Police Station 7 at Anti-Kidnapping Group upang i-serve ang warrant of arrest laban sa dating pulis.
Nag-ugat ang operasyon sa ibinabang warrant mula sa sala ni Judge Louie Bran Roselle Sze ng Regional Trial Court, Fourt Judicial Region, Branch 87, Quezon City.
Hindi pumalag ang akusado nang arestuhin ng mga operatiba. Dinala siya sa IMEG HQs, Camp Crame, Quezon City para sa documentation. (Jocelyn Domenden)