Advertisers

Advertisers

MILITARY CHINESE SPY, NAG-OOPERATE NG “PASINGAW” SA IBAAN!

0 336

Advertisers

HINDI na bago ang mga Chinese military spy sa ating bansa, ngunit sa bayan ni Ibaan Mayor Jane Casas ay di lamang nakapuslit ang isang espiyang Intsik, kundi nag-ooperate pa ng ilegal na “pasingaw” (pilferage and illegal refilling station) ng Liquified Petroleum Gas (LPG).
Batangas Provincial PNP Acting Director Col. Oliver Ebora at Ibaan, Batangas Mayor Jane Casas

Walang kamalay-malay sina PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan, Batangas PNP  Acting Provincial  Director Col. Oliver Ebora, Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4-A (CIDG-RFIU) Director Col. Ganaban Ali at CIDG Batangas Provincial Field Unit Chief LtCol. Bryan Dexter Andulan sa nagaganap na talamak na operasyon ng “pasingaw” ng isang alyas Bunny na kilala din sa alyas Sgt. Mercado?

Maging ang tanggapan NBI Region 4A at Ibaan Police Chief Major John Leo P. Cuasay ay tila wala ding muwang sa mga kababalaghang pinaggagawa ni alyas Bunny aka Sgt. Mercado sa pinagkukutaan nito malapit sa Ibaan Exit sa naturang bayan. Wala kaya talagang kaalam-alam o nagkukunwari lang na walang alam?
Napag-alaman ng SIKRETA na isang grupo ng mga Chinese spy ang  orihinal na nakapuslit papasok sa Palawan noong 2020 sa panahon ng Duterte Administration. Doon ay nakapag balatkayo ang mga itong mga katutubong Filipino at nakapag parehistro din ng pekeng pangalan sa Local Civil Registry Office.
Isa sa mga naturang Chinese spy ay nagtagumpay naman na  nakapasok sa sirkulo ng pulitika at construction business sa Batangas, samantala ang dalawa  o higit pa sa mga ito ay nanalo sa nakaraang halalan gamit ang  milyones na pondo  mula sa People’s Liberation Army (PLA) of China.
Dahil sa pagkakaroon ng krisis sa petrolyo ay sinamantala naman ng tusong babaeng Chinese spy-turned  Batangas pulitiko  na gamitin ang pondo mula sa PLA sa malaking operasyon ng pasingaw ng LPG  sa Ibaan.
Mahigpit ang direktiba nin DILG Secretary Jonvic Remulla at PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na arestuhin ang mga lumalabag sa Batas Pambansa Blg. 33 o illegal distribution of petroleum product at PD 1865 upang masugpo ang mga ilegal na aktibidad sa kalakalan ng petrolyo at LPG.
 Ngunit ipinagyayabang ng dismissed na ex-police alyas Bunny aka Sgt. Mercado na pasok ang kanilang operasyon sa halos lahat na  government law enforcing agency at mga kinauukulang opisyales ng gobyerno hanggang sa barangay.
“Pasok” din kaya sa operasyon ng “pasingawan” nina alyas Bunny aka Sgt. Mercado at ng amo nitong Chinese “spy” sa Ibaan sina Gen. Marantan, Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Col. Ebora, Col. Ali, LtCol. Andulan, Mayor Casas at Major Cuasay? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144