Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ILANG araw nang trending topic ang pangalan ni Sen.Robin Padilla dahil sa umano’y pagtatanggol niya sa kontrobersyal na leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy na ayon sa actor-politician ay tutol siya na i-contempt ito dahil sa mga kasong kinakaharap nito.
Dahil dito, marami ang bumabatikos sa kanya.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post ang asawa ni Mariel Rodriguez laban sa mga taong tumutuligsa sa kanya. Aniya, kulang na kulang daw ang mga abogado sa Pilipinas, pero maraming nagpapaka- “attorney” sa social media.
“Sabi ng datos kulang ang mga abogado at huwes sa mga korte ng Pilipinas.
“Mabuti pa pala sa social media daming attorney out law at beauty pageant judges,” patutsada ng senador.
“Ang presumption of innocence ay isang legal na prinsipyo na ang bawat taong inakusahan ng anumang krimen ay itinuturing na inosente hanggang sa napatunayang nagkasala.”
Nauna rito, ipinaliwanag ni Sen. Robin kung bakit siya tutol sa ruling ni Hontiveros, “Dito sa nakikita ko, pagka nagpatuloy sa ganitong proseso parang sinasaklawan na natin, magkakaroon ba tayo ng panukala na sasagasaan natin ang religion? Papunta na ito. Wala na kay pastor, napupunta na doon sa buong organization. Sa buong religion nila.”
Walang binanggit na mga pangalan si Sen. Robin sa kanyang post pero naniniwala ang mga netizen na para ito sa mga kumokontra sa pagtutol niya sa ruling ni Sen Risa Hontiveros na i-contempt si Quiboloy.
Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa pagdinig ng Senado.
***
SA guesting ni Kuh Ledesms sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday, isa sa mga natanong sa kanya ay kung ano ba ang feeling niya na pinakamalaking kasalanan na nagawa niya sa buhay.
‘Nagmadali akong mag-asawa. Hindi ko naintindihan ang marriage, what it is all about. ‘Yan ang kakulangan ng mga gustong magpakasal.
“Nagmamadali and they don’t understand the commitment. Tuloy, nagkakaroon ng gulo,” sagot ni Kuh kay Tito Boy.
Si Kuh ay matagal nang hiwalay sa napangasawa. Ayon sa kanya, may mga pagkakataong naiisip din niya ang makipagrelasyon uli makalipas ang ilang dekada ng pagiging single.
“Sometimes I think about it, and then I pause and say, ‘Ay Lord kuntento na ako ngayon.’ Kung meron, meron. Kung wala, wala. I am happy eh,” aniya pa.
Sakali man daw na may dumating na bagong lalaki sa kanyang buhay, dapat daw ay may takot ito sa Diyos. Pero ipinagdiinan ni Kuh na wala pa rin siyang balak magpakasal uli.